Abante Tonite Interactive

Horoscope 06/03/2019

359

Rafael Nadal

(Spanish tennis player)
Kaawaran: Hunyo 3, 1986
May dual o dalawang personalidad ang mga lalaking Gemini. Mala­kas ang kanilang karisma at may mysterious­ side na nakaka-attract sa kanila. Madaling makakuha ng atensyon dahil sa nag-uumpaw na sex appeal.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Malaki ang papel ng mga tao sa paligid mo sa magiging opinyon mo. Piliin lamang ang mga totoong kaibigan na alam mong hindi ka ilalaglag. Maghunos-dili sa hindi magandang sasabihin. Lucky color: Red, lucky number: 25.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Alam mo kung ano ang kaya mong gawin. Kumilos nang naaayon sa pagkakakilala mo sa iyong sarili. Huwag masyadong paapekto sa opinyon ng iba. Lucky color: Maroon, lucky number: 9.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kailangan mong tanggapin ang isang sitwasyon kahit na mahirap itong tanggapin sa iyong kalooban. Sa una lamang laging mahirap at darating ang araw na makakasanayan mo ang lahat. Walang taong perpekto kaya’t hindi maiiwasan ang magkamali. Lucky color: Orange, lucky number: 10.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Sundin mo muna ang mga utos sa iyo at saka na magreklamo. Hindi pinapaboran sa araw na ito ang anumang pakikipagsapalaran lalo na sa pera. Manatili ka muna sa mga subok mo na. Lucky color: Violet, lucky number: 20.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Itapon na ang mga negatibong emosyon. Ang mga ito ang nagpapabigat sa iyong pakiramdam. Matutong magpatawad lalo na sa mga pagkakamaling alam mo namang hindi intensyong gawin. Huwag kalimutang ngumiti. Lucky color: Green, lucky number: 30.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Isang bagong relasyon ang puwedeng mabuo mula sa isang magandang pagkakaibigan. Kung single ka pa, maaari itong subukan. Kung committed ka na, mas mabuting dumistansya habang maaga. Lucky color: White, lucky number: 17.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Magpasalamat sa mga taong umalalay sa iyo mula sa umpisa. Sila ang nagbibigay sa iyo ng lakas kaya’t huwag silang kalimutan. May ilang kaibigan na dapat mong pangilagan. Lucky color: Violet, lucky number: 45.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Lahat ng pinaghirapan mo sa nagdaang araw ay magkakaroon na ng bunga. Magiging abala sa maghanpon. Hindi naman masamang bigyan ng oras ang ang isang pagbibiyahe. Lucky color: Maroon, lucky number: 30.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Mahirap makuha ang expectations mo kung masyado itong mataas. Maging ang iyong partner ay nahihirapang pantayan ito. Aminin ang nagawang pagkakamali. Lucky color: Blue, lucky number: 41.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Maraming hamon sa iyong daan pero ang lahat ng ito ay makakaya mong lagpasan. ‘Wag sayangin ang oras sa pagtunganga. Maraming puwedeng gawin na kapaki-pakinabang. Lucky color: Green, lucky number: 50.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mas mapapalapit ka sa mga taong may kagaya mo ng interes. Maganda ang magagawa nito sa mga susunod mong plano. Maging ang mga aspeto ng romansa ay nakikiayon. Magiging maligaya sa araw na ito. Lucky color: Orange, lucky number: 30.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ang lahat ng gusto mong mangyari ay matutupad ngayon. Iwasan lamang magdidikit sa mga taong may negative vibes. Hindi mo kailangan ngayon ng mga taong walang ginawa kundi kumontra. Mag-ingat. Lucky color:Gray, lucky number: 37.