Abante Tonite Interactive

Horoscope 06/04/2019

282

Angelina Jolie (Kaarawan: Hunyo 4, 1975)

Dahil sa pagiging open minded ay mas nagtatagum-pay sila sa larangan ng arts o sining. Mahusay isang magsulat at tahil sa taglay nilang karunungan ay mas madalas silang makikita sa isang partikular na larangan. Mahilig din sila sa sports. Enjoy sila sa mga aktibidad sa labas kaysa sa loob ng bahay.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Posibleng may nararamdaman kang guilt feelings dahil hindi mo magawa ang isang naipangako. Wag mag-alala dahil nauunwaaan ka ng taong kausap. Doblehin pa ang effort para gawin ang pinaka the best sa isang proyekto. Lucky color: Green, lucky number: 50.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Isang dating kaibigan ang biglang susulpot. May gusto itong sabihin pero hindi makapagsalita. Lapitan ito at yakapin. Marami pa siyang gustong gawi nsa iyo sa matagal na panahon. Magiging inspirasyon ka rin sa ibang tao. Lucky color: Pink, lucky number: 19.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Pagsikapang malagpasan lahat ng hadlang. Hindi masarap ang tagumpay kung walang mga balakid. Isang taong malapit sa iyo ang tila nagiging pabigat. Wala kang ibang opsyon kundi ang patuloy na makisama. Lucky color: Silver, lucky number: 40.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kailangang ikaw ang gumawa ng unang inisyatibo kung gusto mong makilala ang isang tao. Walang masyadong oposisyon sa paligid kaya mas malaki ang pagkakataon na magpakitang gilas ngayon. Lucky color: Blue, lucky number: 33.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Gaano man katindi ang drama sa isang sitwasyon, hindi ito basehan para magalit. Manatiling kalmado at magpaka-propesyunal sa bawat pakikipag-usap. Ang bawat sagot mo ay mag-iiwan ng impresyon tungkol sa iyo. Lucky color: Maroon, lucky number: 7.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –– Kontrolin muna ang excitement dahil may posbilidad na magkaroon ng bulilyaso. May kailangan ka munang paghandaan at lagpasan. Magpokus muna sa mga bagay na mahalaga. Lucky color: Brown, lucky number: 50.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Pampatanggal stress ang hatid ng isang bagong inspirasyon. May pagkakataon ngayon na kaila-ngan mo ring ipagtanggol ang iyong sarili. Sabi nga nila, kung may katwiran ay ipaglaban mo. Lucky color: Yellow, lucky number: 53.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mahirap ipaliwanag ang iyong desisyon kung ipagpipilitan mo ang panig mo. Kailangang balansehin din ang pagkikipag-usap. Maging sensitibo sa mararamdamancng ibang kasama. Lucky color: Maroon, lucky number: 18.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) –– Mas maraming katanungan kaysa makukuhang kasagutan sa araw na ito. Manati-ling positibo ang pananawa. Isang ideyang inakala mong hanggang pangarap lamang ay nagkakaroon ng linaw. Maraming mga blessing kung bubuksan ang mga mata at damdamin. Lucky color: White, lucky number: 50.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –– Sigurahing tama ang mga binibigyan mo ng prayoridad. Pag-isipan kung ano ang halaga ng bawat isa. May mga planong dapat munang isantabi. Hindi mo makakayang gawin lahat ng mga nais. Lucky color: Red, lucky number: 26.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ang depenisyon mo ng perpekto ay maaaring kaiba sa ibang tao. Siguraduhing hindi ka nabubulagan lamang sa isang ilusyon. Maging mas realistiko. Huwag hanapin ang wala. Lucky color: Orange, lucky number: 7.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kung patuloy kang magpopokus sa mga kakulangan, hindi mo makikita ang halaga ng mga bagay. Maraming dumarating ng su-werte bagama’t hindi sa materyal at pinansyal. Iwasang balewalain ang mga ito dahil lamang sa paghahanap sa isang bagay na wala sa iyo. Lucky color: Gray, lucky number: 30.