Abante Tonite Interactive

Horoscope 06/05/2019

337

Baron Geiser
Kaarawan: Hunyo 5, 1982
May positibong pagtingin sa buhay. Gustong lagi na on the move at harapin ang mga pagsubok sa buhay. Kapag in-love, lumalabas ang pagi­ging childish, wagas at totoo.
Minsan takot siyang ipa­kita ang kanyang tunay na emosyon dahil ayaw niyang mahusgahan

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Iwasan sa araw na ito ang mangako lalo na sa mga bata. Kung mahihirapan kang tuparin ito, mas piliin ang manahimik muna. Sa halip na salita, idaan na lamang ang lahat sa gawa. Lucky color: Green, lucky number: 11.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mabigat ang magiging papel ng komunikasyon. Sa isang saglit, puwedeng mabalewala lahat ng pinaghirapan mo. Linawin ang mga mensaheng gustong ipinararating. Lucky color: Maroon, lucky number: 33.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Hindi sa lahat ng oras ay magpaparaya ka. Kung ramdam mo na tinatapakan ka na, dapat ka nang magsalita. Sa pagkakataong ito, ang kagustuhan mo ang dapat mangibabaw. Lucky color: White, lucky number: 10.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Isang tao na mahalaga sa iyo ang hindi nanabik sa iyong atensyon. Ibigay sa kanya ngayon ang iyong buong atensyon. Makapaghihintay ang iba pang obligasyon at gawain.Lucky color: Red, lucky number: 45.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Pag-aralang mabuti kung alin ang mga puwede nang itapon na gamit. May mga bagaheng dapat mo nang iwan sa nakaraan. Nagpapabigat lamang ito sa puso at sa iyong buhay. Lucky color: Silver, lucky number: 19.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May ilang sitwasyon na kailangang isipin ang hatid na mensahe. Kung hindi kakalma, mas lalo kang mahihirapan. Wala sa iyong kontrol ang mga nangyayari sa paligid.Lucky color: Yellow, lucky number: 40.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May mga taong nasanay nang magdikta sa iba. Kung alam mo mali sila, ay magsalita ka. Matagal nang panahon na napaikot ka. Magising ka na sa katotohanan. Lucky color: Violet, lucky number: 27.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Sa araw na ito, hindi masamang pakiramdaman ang kutob. Hindi rin paborable ngayon ang anumang shortcut, kailangang doon ka muna sa mas ligtas at mas maliwanag na daan. Lucky co­lor: Gold, lucky number: 6.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – ‘Wag agad paniwalaan ang sinasabi ng kausap. Maghanap muna ng pruweba at mag-double check. Pigilin ang emosyon. Lucky color: Red, lucky number: 38.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Ang inaakala mong napakalaking bagay ay maliit na isyu lamang na pinalaki ng ibang tao. Magmasid at malalaman mo ang totoo. Maging praktikal sa gagawing desisyon. Lucky color: Red, lucky number: 33.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ang isang pinapangarap ay hindi mananatiling pangarap na lamang kung magsisikap. Kilalanin ang taong nagpapatibok ng puso. May good news ang isang text na matatanggap. Lucky color: Blue, lucky number: 2.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –Kung patuloy na mananahimik, mas lalo mong hindi malalaman ang hinahanap mong kasagutan. ‘Wag nang pairalin ang pride at lapitan ang mga taong makakatulong sa iyo. Lucky color: White, lucky number: 55.

Attachments area