Abante Tonite Interactive

Horoscope 06/06/2019

379

Victor Basa
Kaarawan: Hunyo 6, 1985
Mahusay sa pakikipag-usap ang mga lalaking Gemini. Malawak ang kanilang kaisipan kaya’t may kakaibang lalim sa pagsasalita. Hindi ka maiinip kapag sila ang kasama dahil marami silang kuwento at opinyon na nakakabilib.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –– Hindi ito ang oras para mag-inarte. May solusyon sa lahat ng problema. Mas makakapag-isip kung hindi nagpapaapekto sa bugso ng emosyon. Manatiling kalmado. Lucky color: Brown, lucky number: 19.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Pairalin ang disiplina. Wag paapekto sa anumang distraksyon. Kung patuloy kang mapopokus sa ibang bagay, magiging maayos ang lahat. Balansehin ang oras at atensyon sa pamilya. Luck color: Red, lucky number: 14.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Wag basta sumuko sa laban. Patunayan ang kakayahan. Oras na para itaas ang pangalan. May dagdag na responsibilidad na iaatang sa iyo. Kayanin ito sa abot ng makakaya. Lucky color: Blue, lucky number: 53.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Ang inaakala mong hindi uubra ay pwede pala. Huwag pag-aksayahan ng panahon ang sobrang pag-iisip. Mamasyal at makisaya sa mga kaibigan. Sa kanila mo mararamdamam ang saya sa araw na ito. Lucky color: White, lucky number: 30.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –Nakapokus ang araw na ito sa komunikasyon. Importanteng maiparating mo ang pamilya ang pagmamahal. Wag malito sa damdamin para sa dalawang espayal sa tao. May higit na lulutang na isa sa kanilang dalawa. Lucky color: Red, lucky number: 3.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May mga aberya sa bandang gabi. Tanggapin na lamang na may ilang bagay na hindi makontrol. Wag mag-aksaya ng oras sa paghahanap ng masisisi. Pangatawan ang mga nasabi. Lucky color: Yellow, lucky number: 15.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Gaano man kaganda ng mga plano, may mga aberya. Lawakan ang pang-unawa para maintindigan ang nangyayari. Ang kailangan mong gawin ay buksan angmga mata at magmasid. Lucky color: Maroon, lucky number: 8.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May iiwanang leksyon ang isang maliit na problema. May isang tao na tutulong sa iyo. Hindi mo ito inaasahan. Samantalahin ang magandang pakiramdam para matapos ang isang gawain. Lucky color: Violet, lucky number: 20.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Kung handa ka nang ibaba ang iyong mga expectations, mas magiging madali ang tagum­pay. Hindi ito nangangahulugan ng pagsuko. Kailangang mag-adjust kung gusto mong maging maayos ang samahan. Lucky color: Orange, lucky number: 12.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Walang sinuman ang may gusto ng tensyon. Pero sa pagkakataong ito, hindi maiwasan ang pagpanik. Maghanap ng kausap upang kumalma. Babalik sa normal ang lahat kapag nakita mong wala namang problema. Lucky color: Silver: lucky number: 40.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –– Hindi lahat ay sang-ayon sa sistemang ipinatutupad mo, Asahan ang mga kontra at batikos. P
arte lang ito ng buhay, Ituloy ang mga plano mo. Gayunpaman, hindi mo naman talaga kayang pasayahin ang lahat. Lucky color: White, lucky number: 5

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ang tagumpay ay kadalasang nakasalalay sa kung ano ang tunay nagpapasaya sa iyo. Hindi lang sa materyal na bagay. Wag nang pairalin ang pride sa isang kaibigan. Makipag-usap para magkaayos na agad. Lucky color: Green, lucky number: 23.