Abante Tonite Interactive

Horoscope 06/07/2019

385

Prince
(American singer-songwriter)
Kaarawan: Hunyo 7, 1958
Sila ang mga lalaking mahirap intindihin dahil sa kanilang dual personality. Madalas mangangapa sa kanilang gustong sabihin dahil walang clue o anumang palatandaan kung ano ang gusto nila sa buhay. Kailangan ng mahabang oras o panahon para ganap na mauwaan ang kanilang ugali at pagkatao.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Masusubukan ngayon ang pasensya mo sa isang taong­ mahirap pakisamahan. Kung may kinalaman ito sa isang relasyon, dagdagan pa ang pang-unawa sa iyong partner. Mas Malaki ang posibilidad na gaganda ang takbo ng samahan kapag nalusutan “nyo ang isang malaking pagsubok. Lucky color: Gray, lucky number: 40

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ang isang napag-aralan kung hindi naman ginagamit ay nakakalimutan. Alamin ang mga dapat gawin para maibigay mo ang iyong best shot. Pratice­ makes perfect. Lucky color:­ White, lucky number : 18.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May pagkakataon na kailangan na lamang palagpasin ang maliit na bagay. Huwag ubusin ang oras sa galit. Maraming dapat ipagpasalamat kaysa ireklamo sa buhay. Lucky color: Silver, lucky number: 30.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –Hindi man makumbinsi ang lahat ng tao, may isa sa kanila na naniniwala sa iyong sinasabi. Magpokus sa oras na ibinibigay sa pamilya. Darating ang tamang pagkakataon para mapaniwala mo ang lahat. Lucky color: Yellow, lucky number: 33.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ang isang pakikipag-usap ay kaya mong dalhin sa ibang level. Oras naman para may patunayan. Habang alam mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon, walang dapat ipangamba. Lucky color:­ Maroon, lucky number 20.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May pagkakataong ang pagdadalawang isip sa isang pagdedesisyon . Mas piliin ang makakabuti sa mas marami. ‘Wag munang padalos-dalos. Lucky color: Orange, lucky number: 10.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –May mga katanungan sa buhay na matagal nang hinahanapan ng kasagutan. Isa sa mga tanong na ito ang masasagot ngayon.­ Sa aspeto ng relasyon, mas lalong minamahal ng iyong partner ang iyong pagiging pasensyoso. Lucky color: Silver, lucky number: 51.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kung may isang tao sa paligid mo ang hindi naniniwala sa ginagawa, huwag itong problemahin. Ang inaambisyon mo ay sarili mong misyon at hindi sa kanila. Lucky color: Brown, lucky number: 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) –Kung may commitment kang gustong ibigay sa isang tao, linawin at alamin kung hagggang saan ang kaya mong ibigay. Huwag haya­ang mapasukan ng kalokohan ang iyong pakikipagrelasyon. Lucky color: Pink, lucky number: 50.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Masakit tanggapin ang katotohanan. Mas makakapag-adjust kapag ganap kang naliwanagan. Pakinggan ang dalawang panig para sa iyong kabutihan. Lucky color: Violet, lucky number: 33.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Dahil nakikita ng mga tao ang kumpiyansa mo, mas gusto ka nilang lapitan para hingan ng impormasyon. ‘Wag lang mas­yadong magpa-pressure sa problema ng iba. Chill ka lang. Lucky color: Black, lucky number: 30.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ang salita ay masarap pakinggan ngunit kulang wala naman ito sa akasyon ay wala din itong magiging dating para sa iba. Magi­ng totoo sa salita. Mahirap magpaasa sa isang pangyayari sa imposible. Lucky color: Blue, lucky number: 1.