Abante Tonite Interactive

Horoscope 06/08/19

317

Natalie Portman
Kaarawan: Hunyo 9, 1981

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Huwag isisi sa ibang tao sa iyong pagkakamali. Posibleng magipit nang bahagya pagdating sa pinansyal pero hindi ito magtatagal. Umisip ng ibang pagkakakitaan kaysa tumambay lang. Lucky color: Yellow, lucky number: 15.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Sa aspeto ng romansa, maaaring hindi mo agad matumbok kung ano ang problema sa relasyon. Sa mga ganitong sitwasyon, magtiwala sa iyong nararamdaman. Kailangang pag-isipang mabuti ang gagawin at sasabihin. Lucky color: Maroon, lucky number: 2.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ang pabago-bago mong mood ang nagpapalito sa iyong mahal. Iwasang agad-agad magbigay ng reaksyon. Kailangan mong kumalma at lawakan pa ang pang-unawa kung gusto mong mawala ang tension sa relasyon. Lucky color: Brown, lucky number: 30.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kailangan mong igiit ang gusto. Buhay mo ang nakasalalay dito. May mga bagay na hindi dapat palagpasin. Kung hindi ka magiging assertive, maaagawan ka ng pagkakataon. Lucky color: Red, lucky number: 20.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kailangan mong prangka lalo na sa usapin na may kinalaman sa pamilya. Manahimik muna. Maraming pwedeng masaktan sa gagawin. Kailangan mong ipaliwanag ang dahilan ng mga desisyon sa buhay. Maging honest ka para malagay sa tama ang lahat. Lucky color: Blue, lucky number: 40.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –– Maraming nabubuksang oportunidad at dahil dito’y mas mahirap para sa iyo ang pumili. Makabubuting ‘wait and see’ muna ang gawin mo upang matiyak kung alin ang pinakamalapit sa puso mo. Lucky color: Orange, lucky number: 19.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kailangan mo ng closure. Kung may nakasamaan ng loob, resolbahin agad ito. Mahirap kapag maraming dinadala sa dibdib. Alalahaning kahit gaano kalapit sa iyo ang isang tao, hindi kayo laging magkakasundo sa mga pananaw. Lucky color: Gray, lucky number: 41.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Hinay-hinay muna lalo na sa mga isyung may kinalaman sa pera. Hindi man agad ito maresolba, sa kabuuan ay hindi ka naman masyadong madidismaya. Iwasan ang paggastos na walang katuturan. Lucky color: Maroon, lucky number: 5.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – May sorpresang hatid ang isang kaibigan. May dala ring problema na hindi mo inaasahan. Sa kabila nito, mag-eenjoy ka sa mga bago mong malalaman. Lucky color: Pink, lucky number: 20.

CAPRICORN (Disyembre 22-Ene­ro 19) – Mapapasabak ka ngayon sa mga seryosong trabaho pero hindi mo naman kailangang solohin ang lahat ng responsibilidad. May mga kaibigan kang makakatulong. Tanggapin ang kanilang alok para matapos agad ang mga gawain. Lucky color: Black, lucky number: 30.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Isa sa mga kaibigan mo ang ay may itinatagong sikreto. Pag-aralan kung saan nagmumula ang iyong pangamba. May mga bagay na mahirap tanggapin pero kailangang gawin. Iwasan munang magpakita ng anumang reaksyon. Lucky color: Silver, lucky number:11.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ang maliliit na argumento ay maa­ring mawala sa kontrol kung hindi pag-iingatan. Iwasang palakihin ang isyu. Alalahaning ang isang mahalagang okasyon kaya’t kailangang magpatawad. Lucky color: Violet, lucky number: 44.