Abante Tonite Interactive

Horoscope 06/08/2019

331

Kanye West
Kaarawan: Hunyo 8, 1977
Hindi mahirap mahalin dahil taglay nila ang pagiging caring at sweet. Ingat lang dahil madali din silang mahumaling sa mas nakakahigit ang kagandahan at kaseskihan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –– Kung sadyang malapit sa puso mo ang iyong ginagawa, mas mabilis at mas magaan ang pagpasok ng pera. Ito na ang tamang pagkakataon para ipursige ang isang trabaho kung saan mas malaya kang makakagalaw alinsunod sa gusto ng iyong puso. Lucky color: Maroon, lucky number: 44

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) –– Kung naghaha­nap ka ng mamahalin, magandang oportunidad ang bubuksan ng araw na ito. Mas maraming lumalapit sa iyo ngayon na nag-eenjoy na kasama ka. May ilang imbitasyon para sa pagsasaya. Lucky color: Green, lucky number: 20.

Abante Hiring – IT dep

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –– Marami ngayon ang gustong makasama ka dahil mas mataas ang iyong karisma. Gamitin ang pagkakataong ito para maiparating ang mga mensahe mo na dati’y hindi mo masabi. Wag masyadong pag-ukulan ng pansin ang mga inaakala mong kakulangan mo. Lucky color: White, lucky number: 40.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –– Isang proyekto na may kinalaman sa loob ng bahay ang magbibigay sa iyo ng sigla. Hindi rin nalalayo ang isang opsyon para lumipat ng lugar. Piliin muna na magkaroon ng privacy sa araw na ito kesa makisala­muha sa maraming tao. Lucky color: Blue, lucky number: 3.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Sa araw na ito, mas papabor para sa iyo ang makasama ang mas maraming tao tulad ng pag-attend sa isang party. Mas magbubukas din ito ng oportunidad para mapalawak ang iyong koneksyon na kakailanganin mo sa mga susunod na araw. Lucky color: Gray, lucky number: 25.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangang magpakapormal ka. Bigyan din ng oras ang pagrerelaks at pagsasaya kasama ng mga kaibigan. Sa aspeto ng career, hindi masamang humingi ng umento kung naniniwala kang deserve mo ito. Lucky color: Maroon, lucky number: 3.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Papaboran ang romansa sa araw na ito. Bigyan ng ekstrang atensyon ang iyong mahal, dalhin siya sa mga lugar na hindi nyo pa napupuntahan. Sa mga single at may iniispatan pa lamang na love interest, hindi masamang ikaw na ang maunang magparamdam. Lucky color: Orange, lucky number: 1.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) –– Ang iyong best friend o maaring ang iyong romantic partner ang magtutulak sa iyo para sumubok sa isang bago. Maaaring maging daan ito sa isang pagbibiyahe sa labas ng bansa o pagkonsidera sa isang bagong career. Iwan muna ang iyong comfort zone. Lucky color: Violet, lucky number: 5.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Isang oportunidad para maiangat pa ang iyong career tulad ng isang bagong training ang mabubuksan. Mas may matututuhan ka ngayon sa mga nakababatang kasamahan. ‘Wag nang pairalin ang pride upang makakuha ng mas mapapakinabangang kaalaman. Lucky color: Pink, lucky number: 34.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19)– Ang pagpapalawak ng iyong koneksyon ay isang magandang karanasan. Likas sa iyo ang kuryosidad kaya naman hindi mo napapalagpas ang mga oportunidad na matuto nang bago. Kung may oportunidad para magbiyahe sa abroad at magsulat sa lumalawak na karanasan tulad ng blogging, gawin ito. Lucky color: Brown, lucky number: 12.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Magi­ging mainit ang isang relasyon. Ngayon mo rin mapapagtanto ang tunay na kahulugan ng unconditional love. Magandang pagkakataon ang hatid ng araw na ito para alisin ang isang bisyo. Lucky color: Black, lucky number: 18.

PISCES (Februa­ry 19-March 20)– Bigyang atensyon ang mga pangarap mo noong bata ka na hindi mo pa natutupad. Umpisahan na itong gawin habang nakikiayon ang mga pangyayari. May magbubukas na oportunidad ngunit kailangan mo munang makipagsapalaran. Lucky number for today: 51