Abante Tonite Interactive

Horoscope 06/10/2019

0 267

Eduardo Cojuangco Jr.
Kaarawan: Hunyo 10, 1935

Pabigla-bigla at madalas na natatangay ang kanilang atensyon ng mga bagay na nasa kanyang harapan. Madaling mainip at hindi spontaneous dahil sa paiba-ibang personalidad.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Nabubuhay ka sa pantasya. Maraming lumalapit at nag-e-enjoy kapag kasama ka. Gayunman, may hindi ina­asahang mangyayari. May malakas na puwersa na pilit na magpapatumba sa iyo. Lucky color: Green, lucky number: 50.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi ka makapag-focus dahil sa maraming emosyon na nararamdaman. Huwag balewalain ang mga sen­yales. Kailangang manatili ang tamang katwiran. Lucky color: Maroon, lucky number: 7.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May nag-aagawan na dalawang kampo. Dahil mabait at sensitibo ka, ikaw ang target nilang kunin. Mag-ingat sa mga inilalatag na opinyon dahil baka mapasubo ka. Lucky color: White, lucky number: 11

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May kakaibang feeling. May malakas na energy na nagbibigay sa iyo ng boost at lakas ng loob. Kaila­ngan mo ito. Manatiling focus at ‘wag magpatalo sa mga negatibo. Ikaw ang makakatuklas ng katotohanan. Lucky color: Violet, lucky number: 5.

Related Posts

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Gawing motibasyon ang nararamdamang takot. Huwag sa­yangin ang magandang nasimulan. Mag-ingat sa mga komento na puwedeng pagmulan ng maling impormasyon. Mag-ingat sa paghakbang. Lucky color: Orange, lucky number: 8.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Mahaharap sa malaking isyu. Damay ang iyong emosyon kaya’t hangga’t maari ay iwasang su­migaw. Mapupunta ka sa isang lugar na malayo sa iyong inaasam. Ituloy ang ginagawang pag-iimbestiga sa isang bagay. Lucky color: Gray, lucky number: 30.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Matutukso sa magagandang pangako. Mag-ingat ka libre ang sipol at tunog. Hindi lahat ng magagandang salita ay dapat mong paniwalaan. Ikaw ang boss ng iyong buhay kaya’t huwag magpadikta. Lucky color: Red, lucky number: 11.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) –Magiging emosyunal dahil sa katuparan ng isang pangarap. Mag-ingat sa pagsama sa hindi tunay na kaibigan. Maaaring madamay sa isang gusot na puwedeng makasira sa iyong pangalan. Lucky color: Gray, lucky number: 22
.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Maraming pagsubok na kailangang pagdaanan para malaman ang buong katotohanam. Ipadama ang pagmamahal sa pamilya. Bigyan sila ng panahon na walang katumbas na ha­laga. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Malapit ka nang mapuno Capricorn. May taong sisira ng iyong araw. Hindi mo ito inaasahan pero darating. Mahihirapan kang harapin ito pero makakaya din makaraan ang ilang araw. Maki­pag-compromise para maging maayos ang lahat. Lucky color: Blue, lucky number: 35.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May ibang ibig sabihin ang taong kausap. Hindi mo ito maiintindihan kung hindi ka magiging observant. Basahin ang kilos at huwag ang mga salita. Lucky color: Brown, lucky number: 7.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mangi­ngibabaw ang opinyon kaysa sa emosyon. Iba ang sinabi ng isipan at damdamin. Mauuwi sa argumento ang usapan. Hindi tamang ipilit ang isang bagay na malayo sa katotohanan. Kailangang magpakatotoo lalo na tunay na nararamdaman. Lucky color: Violet, lucky number: 3.