Abante Tonite Interactive

Horoscope 06/11/2019

0 294

Kean Cipriano
Kaarawan: Hunyo 11, 1987
Makuwento kaya’t walang dull moment kapag kasama mo siya. Paborito niya ang mga gawain na nakaka-challenge ng isip. Palakaibigan kaya naman halos wala siyang kaaway.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –May ilang isyu sa loob ng bahay na dapat unahin. Kailangang pairalin ang iyong pasensya para ganap itong maresolba. Iwasang mag-init ang ulo dahil lalo lamang ito magpapalala sa sitwasyon. Lucky color:Red, lucky number: 19.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Lumabas kasama ang mga kaibigan. Gawin ang mga bagay na nakakapagpasaya sa iyo. Pero huwag kalimutang maging tapat sa relasyon. Makatutulong ang heart-to-heart talk sa kasuyo. Lucky color: Orange, lucky number: 11.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Umaksyon para maabot ang iyong goals. Kailangan mong maging alerto dahil maraming nabubuksang oportunidad. Mahirap nang maunahan ng iba. Lucky color: Maroon, lucky number: 27.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Pinapa-boran ka sa araw na ito. Mas mangingibabaw ka rin sa iyong mga karibal. Piliing maging honest sa iyong partner para maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan. Lucky color: Yellow, lucky number:43.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ramdam mo ngayon ang bigat ng maraming obligasyon na ipinapatong sa iyong balikat. Sikaping maging kalmado. Wala kang ibang pagpapasahan ng responsibilidad na ito lalo na kung may kinalaman sa pamil­ya. Lucky color: White, lucky number: 4.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kailangan mong rebyuhin ang nagiging judgment mo sa ilang tao at sa ilang partikular na sitwasyon. Kung may kailangang baguhin sa iyong naging aksyon, dapat mo itong gawin. Lunukin muna ang pride, ang mahalaga ay mailagay sa ayos ang lahat. Lucky color: Blue, lucky number: 36.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Para maabot ang iyong mga goals, kailangan mo munang mag-recharge at ihanda ang iyong sarili. Irelaks ang isip at katawan ngayong weekend. Magiging mapanghamon ang mga susunod na araw. Lucky color: Silver, lucky number: 30.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Iwan na ang mga lumang isyu na patuloy lamang nagdudulot ng sakit sa iyong kalooban. Kung kailangan, piliin na lamang ang magpatawad. Sa aspeto ng pananalapi, hindi masamang gumastos basta hindi galing sa utang. Lucky color: Red, lucky number: 5.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Huwag matakot magtanong kung merong hindi nauunawaan. Hindi lahat ng ginagawa ng itinuturing mong kaibigan ay dapat tanggapin. Tiyakin muna kung saan ka ihahatid ng bawat aksyong inaasahan niya mula sa iyo. Lucky color: Pink, lucky number: 31.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Iwasang magbigay ng importanteng mga impor-masyon. Makinig, makipagdiskusyon pero huwag ilantad ang lahat ng barahang hawak mo. Kaila-ngan mo munang ganap na maunawaan ang sitwasyon bago ibigay ang iyong tiwala. Lucky co-lor: Gray, lucky number: 20.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –Iwasang magpadala sa pressure na idinudulot sa iyo ng isang indibidwal para gawin ang isang bagay na hindi mo naman talagang kailangan. Dumistansya lalo na kung hindi mo alam ang lahat ng impormasyon. Hindi lahat ng nakikipagkaibigan ay kaibigan. Lucky color: Gold, lucky number: 15.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May magagandang iaalok sa iyo. Tingnan ang bawat posibilidad at piliin ang higit na makatutulong para maiangat ang iyong kalagayan. Sa isang relasyon, importante ang mataas na standard. Lucky color: Yellow, lucky number: 2.