Abante Tonite Interactive

Horoscope 06/12/2019

343

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Marami kang matututuhan sa pagmamasid. Paglaanan ng oras ang pag-observe sa paligid. Mapag-aaralan mo kung ano ang susunod na magiging hakbang. ‘Wag kalimutan ang mga pangako. Lucky color: Gray, lucky number: 40.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Magtatalo ang isip at damdamin. Kumalma muna para makapagdesisyon nang maayos. Isasalang-alaang ang kalusugan sa araw na ito. Lucky color: Green, lucky number: 11.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Pakinggan ang payo ng kaibigan. May malaki kang magagawa para sagipin siya sa mga pinagdaraanan nya. Ipakita ang iyong malasakit. Bigyan muna siya ng time dahil ikaw langang tanging maasahna niya. Lucky color: Red, lucky number: 43.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Matindi ang pagkainip. May isang naumpisahan ang kailangang tapusin. Hindi agad makikita ang resulta ng sakripisyo. Maghintay pa ng ilang araw. Lucky color: Brown, lucky number: 20.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May namumuong argumento. Hindi kailangang kalkalin ang nakaraan. Siguraduhin ang mga sinasabi. Hindi lahat ng naririnig mo ay totoo. Lucky color: Orange, lucky number: 22.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Isang kaibigan ang magliligtas sa iyo sa sa isang krusyal na sitwasyon. Tanggapin ang isang imbitasyon. Magrelaks para may lakas sa mga susunod na araw. Lucky color: White,, lucky number: 12.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Trabaho pa rin ang pokus ng isip mo kahit walang pasok. Gayunpaman, may isang espesyal na okasyon na kailangang paghandaan. Alalahaning hindi ka nabubuhay para magtrabaho. Magrelakas sa malamig na lugar. Lucky color: Yellow, lucky number: 32.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Magiging kalmado lamang ang isang relasyon kung mag-uusap. Mahirap para sa iyo ang maglabas ng pera sa mga araw na ito pero kung hindi maiiwasan, siguraduhin lang ang paggagamit. Lucky color: Orange, lucky number: 25.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Sa gitna ng mga kalituhan, dapat manaig ang pagiging kalmado. Walang maitutulong ang pag-iinit ng ulo. Mas madali mo ring maunawaan ang nangyari kung relaks ang isipan. Lucky color: Violet, lucky number: 18.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Marami kang magagawa sa araw na ito. Sa gitna ng iyong panalo, may lumuluhang parte ng iyong pagkatao. Ayusin ang sarili . May mga bagay na kailangang gawinn para mapanatag. Lucky color: Blue, lucky number: 56.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Iwasang maging mapagtiwala pagdating sa mga transaksyon na may kinalaman sa pananalapi. Pag-aralang mabuti ang isang gastusin bago umarangkada. Mahirap maubusan ngayon ng pondo. Lucky color: Green, lucky number: 14.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Gamitin ang iyong malawak na karanasan para malapagsan ang pinagdadaanan ngayon. Pag-ingatan ang mga sinasabi dahil posibleng kabaligtaran sa inaasahan mo ang maging resulta nito. May ginto sa basura. Lucky color: Gray, lucky number: 30.