Abante Tonite Interactive

Horoscope 06/13/2019

326

Chris Evans
(American actor)

Kaarawan: Hunyo 13, 1981
Malakas ang karisma at may pagkapilyo. Lahat ng kanyang gustuhin ay pagsisikapan niyang maabot. Malakas ang sense of humor kaya naman lapitin ng opposite sex. May tagong talino at galing na hindi mo napapansin hangga’t hindi mo siya nakakausap nang matagal.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kailangan mong makihalubilo sa mga kaibigan. Pasayahin ang iyong araw. Bawasan ang kadramahan na walang saysay. Makikilala mo ngayon ang mga tunay na kaibigan. Lucky color: Violet, lucky number: 30.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Paborable sa araw na ito para bumili ng mga bagong gamit. Mas mapagmasid at wag magpokus sa mga obvious. Ang mga aberya ay madalas nagmumula sa maliliit na bagay na hindi agad natin napapansin. Lucky color: Yellow, lucky number: 5

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Mas madali para sa iyo ang magpayo dahil sa kakaibang karanasan. Wag masiraan ng loob at sahalip gawin itong lakas para makabangon at makabawi. Timbangin ang kinakaharap na sitwasyon. Lucky color: Violet, lucky number: 49.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Isantabi muna ang planong pagpapalit ng career. Bigyan muna ng panahon ang pagrerelaks at pakikipag-bonding sa mga mahal mo ngayong weekend. Maging happy sa buhay. Lucky color: Red, lucky number: 40.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi masamang iparamdam sa espesyal na kaibigan ang nararamdamang atraksyon. Maaring naghihintay lamang siya ng senyales mula sa iyo. Tanggapin ang anumang kahihinatnan nang pagbabakasakali. Lucky color: Maroon, lucky number: 40

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi masamang piliin ang madaling daan pero sa pagkakataong ito wala itong kabutuhan na maibibigay sa iyo. Subukan ang mga inaakala mong mahirap gawin. Maraming matututuhan sa bagong grupo. Lucky color: Yellow, lucky number: 3.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Ang dating iniiwasan mo ay mas lalong lumalapit sa iyo. Maging bukas sa anumang puwedeng mangyari. Marami ka pang madidiskubre sa iyong sarili at sa ibang mga kasamahan. Lucky color: Black, lucky number: 20.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Marami ang bilib sa iyong kakayahan. Iwasang ma-insecure sa mga baguhan. Mas matimbang ang opinyon ng pamilya kaysa kaibigan. Lucky color: Gray, lucky number: 26.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Sadyang mahirap ang mag-umpisa. Ituloy na ang matagal na plano tulad ng pagdidiyeta o pag-e-enroll sa gym. Gawin itong prayoridad para sa inaasam n na pagbabago sa sarili. Lucky color: Silver, lucky number: 45.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Hindi mo kayang sabay-sabayin lahat. May dapat unahin at meron puwedeng isantabi muna. Maging organisado at gumawa ng listahan kung kinakailangan para hindi malito. Lucky color: Gold, lucky number: 50.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Puwedeng magkaroon ng isyu tungkol sa lovelife. Pag-aralang mabuti ang mga pros and cons para hindi magkamali . Kung ano ang matimbang sa kalooban mo iyon ang gawin. Lucky color: Blue, lucky number: 5.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –– Pagbuhusan ng atensyon ang taong nagpapasaya sa iyo ngayon. Alamin ang puno’t dulo ng isyu bago mag-react. Mahirap mapagbintangan sa isang gawain na wala kang kinalaman. Ingat sa kilos at pagsasalita. Lucky color: White, lucky number: 6.