Abante Tonite Interactive

Horoscope 06/14/2019

369

Donald Trump
Kaarawan: Hunyo 14, 1946
Positibo, mahilig sa adventure at sopresa. Palaging on the go at mahirap mapatigil sa isang lugar. Para sa kanya, handa niyang harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay. Kapag-inlove para siyang bata na uhaw sa pagmamahal subalit kapag nagsimula nang lumayo, mahirap na siyang aluin at yakapin.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Huwag ka munang gumawa ng anumang malaking pagdedesisyon ngayon dahil baka malagay ka sa alanga-ning sitwasyon. Hindi rin paborable ang magsolo. Mas piliing kasama ang pamilya o mga kaibigan. Lucky color: Gray, lucky number: 21.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kahit anong paliwanag ang gawin mo, hindi ka rin pakikinggan ng isang taong sarado na ang isip. Huwag malungkot dahil isnag araw ay basta na lang lalapit sa iyo ang taong ito at makikiusap. Lucky color: Maroon, lucky number: 50.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –– Papaboran ang iyong mga pag-aksyon ngayon at sa mga susunod na araw. Maaring hindi laging perpekto ang diskarte mo pero ang bawat pagkakamali ang magpapalawak ng iyong kaalaman. Lucky color: Black, lucky number: 2.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Wala kang dapat ipaliwanag sa ibang tao pagdating sa iyong motibo at intensyon. Gawin ang inaakala mong tama. Ikaw ang dapat may kontrol ng buhay mo. Wag paapekto sa mga sinasabi ng ibang tao. Lucky color:Yellow, lucky number: 3.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Huwag nang magtaka kung bakit hindi ka mapakali. May isang tao na laging umiisip sa iyo. Ilang araw pa ang kalituhan bago tuluyang manumbalik sa normal. Makakaunawa ang mga taong malapit sa iyong puso. Lucky color: Orange, lucky number: 29.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Sa araw na ito, daig mo pa ang nakikipaghabulan sa oras sa dami ng gawain. Hindi pa man natatapos ang isang gawain, may bago na namang responsibilidad na ipinapasa sa iyo. Huwag nang mainis dahil ang katumbas ng simpag ay maraming kita. Lucky color: White, lucky number: 37.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –– Hindi lahat ng bagay ay dapat mong ipag-alala. Lalo kang manghihina kung pagod ang isip. Kung may pagkakamali, palawakin pa ang pang-unawa. Huwag masyadong pahirapan ang sarili. Lucky co-lor: Gray, lucky number:47.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) —Isang taong nakasamaan ng loob ang muling mapapalapit. Wag sayangin ang pagkakataon dahil mahala ang inyong samahan. Matutong magpatawad kahit na labis kang nasaktan. Lucky co-lor: Violet, lucky number: 50.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May sorpresang hatid ngayon at maa-ring sa mga susunod na araw. Ang dating naka-kabagot na takbo ng buhay ay madaragdagan ng excitement. Mag-enjoy sa bagong trabaho at pakikipagsapalaran. Lucky color: Red, lucky number: 8.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May mga bagay na hindi pa nauukol. Sa pagkakataong ito, dagdagan pa ang paghihintay. Iwasan ding ma-stress nang dahil lamang sa sobrang pagmamadali. Lucky color: Green, lucky number: 53.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –– Iwasang maging masyadong mapangahas. Dito nag-uumpisa ang mga pagkakamali. Bigyan ng sapat na panahon ang pag-iisip sa mga desisyong dapat bitiwan. Malaki ang magagawa ng katahimikan sa pag-iisip. Lucky color: Yellow, lucky number: 33.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kung may kailangang baguhin, gawin ito. Huwag magmatigas sa isang desisyon kahit alam mo na mali ito. Piliin ang maging praktikal. Kung bubuksan mo lang ang iyong mga mata ay hindi mo na kailangang tumingin sa malayong lugar. Lucky color: Brown, lucky number: 27.