Abante Tonite Interactive

Horoscope 06/16/19

365

Jodi Santamaria
Kaarawan: Hunyo 16, 1982

Related Posts

Lapitin sila ng opposite sex dahil sa malakas na karisma. Pero ayaw nila nang pinangunugnahan. Kailangan silang suyuin at hintayin ang kanilang sagot. Sila ang klase ng tao na gusto lagi na may kinakausap.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May mga palaisipan para sa iyo ngayong araw na ito. Mara­ming tao ang magpaphayag ng suporta. Maging totoo sa mga sagot. Mayy kaukulang paliwanag, kailangan mo lamang hanapin ito. Lucky color: Silver, lucky number: 8.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Iwasang ikumpara ang sarili sa iba. Patuloy ka lamang makakaramdam ng diskuntento kung gagawin ito. Mas magandang i-appreciate ang sarili at taglay na kakayahan. Lucky color: Orange, lucky number: 40.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Posibleng malagay ka sa isang sitwasyon kung saan makokorner ka at tila walang maatrasan. Hindi naman makukuha ang panalo sa bawat araw. May pagkakataong kailangang aminin ang pagkatalo at bumawi na lamang sa susunod.Lucky color: White, lucky number:17.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –– Iwasan ang mga sitwasyong alam mong mahihirapan kang kontrolin. Huwag nang patulan ang isang panunukso. Umiwas sa mga taong nagiging magnet sa mga negatibong pangyayari. Lucky color: Gold, lucky number: 30.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –– Nasa tamang posisyon ka at nasa tamang pagkakataon. Makukuha mo na ang matagal nang inaasam. Hindi ka magiging masayan kung patuloy na hahanapin ang mga bagay na wala sa iyo , Makuntento sa kung anong meron ka. Lucky color: Red, lucky number: 13.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –– Nananaig ang pagiging perfectionist. Alalahanin ang mga hindi magandang nasabi. May isang taong malapit sa puso mo na nahihirapan nang makisabay sa iyo. Mag-adjust nmang kaunti. Lucky color: Maroon, lucky number: 45.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –– Maa­ring hindi lahat ng nangyayari sa iyo ay naaayon sa kagustuhan mo. Pero pan­samantala lamang ito. May kailangang baguhin sa ugali para umayos ang samahan. Lucky color: Gray, lucky number: 8.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kung wala ang iyong puso sa isang gagawin, bakit kailangan pa itong gawin? Hindi mo kailangang maging sunud-sunuran sa kagustuhan ng ibang tao, Magkaroon ng desisyon lalo na kung nakasalalay dito ang iyong future. Lucky color: Yellow, lucky number: 22.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyem­bre 21) – Mas emosyunal ang araw na ito kumpara sa karaniwan. Sala sa lamig at sala sa init ang iyong mood. Posibleng maapektuhan ang mga tao sa paligid mo. Iwasan lamang na makapagsalita ng nakakasakit, mahirap itong bawiin. Lucky color: Brown, lucky number: 11.
CAPRICORN (Disyembre 22-Ene­ro 19) – Maraming positibong pangyayari na nagiging dahilan para pag-isipan mo kung deserve mo ang lahat ng iyo. Ipagpasalamat na lamang ang mga dumarating na blessings. Mara­ming paraan para i-share ito sa mga taong mahalaga sa iyo. Lucky color: Blue, lucky number: 46.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Isang indibidwal ang pagmumulan ng inis mo sa araw na ito. Iwasang masyadong magpakita ng reaksyon. Hindi mo kailangang pumatol at bumaba sa kanilang level. Mag-stick sa iyong sa­riling paniniwala. Lucky color: Orange, lucky number: 7
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Posibleng maipit ka sa dalawang nagbabanggaang puwersa. Iwasang magpakita ng pagkampi kahit saang panig. Wala itong idudulot na benepisyo sa halip ay mas malamang pa ang perhuwisyo. Lucky color: White, lucky number: 19.