Abante Tonite Interactive

Horoscope 06/17/2019

386

Venus Williams
American tennis player
Kaarawan; Hunyo 17, 1980
May dalawang personaldidad­ ang mga Gemina­ woman.­ Isa ang pagi­ging kontento at walang pakialam habang ang isa ay desperadang magkaroon ng isang matibay na relasyon. Todo kung magmahal ang mga babaeng ito pero kapag nakaramdam ng pagkabagot o pagka-inip ay bigla na lang manlalamig at hahanap ng ibang lugar kung saan siya magiging masaya ulit.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Pinapaboran ka sa araw na ito. Maging sa aspeto ng romansa ay magiging maayos ang samahan. Hindi masamang ipursige ang isang plano basta sabihin lamang ito sa iyong kapartner para hindi kayo magkagulatan. Lucky color: Maroon, lucky number: 16.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung gusto mong may marating, kailangan mo ring makipag­sapalaran. Tiyakin muna kung maghahatid ng mas malaking benepisyo ang papasukin mo. Kung masya­dong malaki ang mawala, mag-isip ng ibang paraan. Lucky color: Gray, lucky number: 18.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kailangang mapag-isa muna. Marami kang totoong kaibigan pero iilan ang tunay na nagmamalasakit. Huwag masyadong sarilinin ang bigat ng mga pangyayari. Lucky color: Brown, lucky number:16.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Masusubu­kan ngayon kung gaano ka humawak ng pressure. Kung nasanay kang may sinasandalan, sa pagkaka­taong ito, sariling diskarte ang kailangan mo. Magpakatatag. Lucky color: Yellow, lucky number: 9.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Maraming oportunidad para makapagrelaks at magsaya nga­yong araw na ito. Huwag ma-guilty, hindi naman ito nangangahulugang pababayaan mo na ang res­ponsibilidad. Kailantgang umiral ang balanseng buhay. Lucky color: Pink, lucky number: 45.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kailangang isalba ang relasoyn. Ngayon ang pagkakataon para kausapin ang taong nakasamaan ng loob. Ipakita ang iyong sinseridad at determinasyon na maibalik sa dati ang lahat. Lucky color: Blue, lucky number: 41.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Marami kang maa-accomplish ngayon lalo na kung tatanggapin mo ang isang tulong. Kailangang patunayan ang husay at tatag mo. Lunukin muna ang pride hangga’t maaari. Lucky color: Green, lucky number: 50.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May kailangan kang iayos sa lovelife. Kaila­ngang bigyan ng espesyal na atensyon sa araw na ito para sa minamahal. Bumawi sa mga pagkukulang. Lucky color: Pink, lucky number: 30.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Paborableng araw ito para sa iyo. Ang anumang pagbuhusan mo ng atensyon ay magbibigay ng magandang resulta. Iwasan lamang magduda nang walang basehan. Lucky color: White, lucky number: 9.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Gumawa ng plano pero isama mo ang mga taong maaapektuhan nito. Ikonsulta muna sa iyong mga mahal sa buhay ang mga gagawin mo bago tuluyang magdesisyon. Mahirap mapasubo sa kumplikadong sitwasyon. Lucky color: Red, lucky number: 53.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Marami kang ideyang gustong gawin pero hindi ito uubra nang sabay-sabay. Tingnan munang mabuti kung ang mga tunay mong prayoridad. Hindi kailangang magmadali dahil marami kang oras. Lucky color: Gray, lucky number: 50.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ikaw ang kailangang kumilos ngayon. Maraming nagmamasid sa mga gagawin mo. Huwag munang magpa-easy-easy. Posibleng maapektuhan ang iyong oras dahil sa biglaang mga lakad. Lucky color: Violet, lucky number:16.