Abante Tonite Interactive

Horoscope 06/20/2019

451

Camille Prats
Kaarawan: Hunyo 20, 1985
May isang salita ang mga babaeng Gemini. At madalas tinutupad nila ang kanilang mga sinasabi. Kahit na minsan malabong kausap pero kapag seryoso na ang usapan, maganda ang kanilang mga payo at maaasahan sila sa pagtatago ng mga sikreto.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ang inaakala mong biruan ay seryosong usapan pala. Posibleng makasakit ka ng damdamin kung patuloy kang magbubulag-bulagan. Umpisahan nang dumistansya kung wala ka namang maipapangako sa isang tao. Lucky color: Brown, lucky number: 23.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May oportunidad ngayon para mapalawak ang iyong career. Wag nang magdalawang-isip. May pagkakataon ka para sa malayong pagbibiyahe. Paghandaan ito at pag-ipunan. Lucky color: Gray, lucky number: 28.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Isang sitwasyon sa pamilya ang hindi na maiiwasan. May kinalaman ito sa isang nakakatandang kapamilya. May malaking maitutulong ang payo ng isang kaibigan na nagdaan na rin sa parehong sitwasyon. Lucky color: Orange, lucky number: 25.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Huwag hayaang maabuso dahil sa sobrang kabaitan. Kailangan mong makita na masyado ka nang nagagamit.Mag-ingat sa paglalabas ng pera. Lucky color: Yellow, lucky number: 29.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Isang kaibigan ang kinukumbinsi kang sumunod sa kanyang yapak. Pero dapat mong tiyakin sa sarili mo kung ito nga ang totoo mong gusto. Kung may duda mas mabuting huwag nang tumuloy. Sarili mo pa ring kagustuhan ang dapat masunod. Lucky color: Violet, lucky number: 30.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Anumang gustuhin mo ay magagawa ngayon kung matindi ang iyong determinasyon. Ang isang proyektong hindi dating umubra ay pwedeng su-bukang muli. Ang isang katunggali ay kayang talu-nin. Lucky color: Yellow, lucky number: 11.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Masyado mong inilalagay sa mataas na pedestal ang isang tao sa iyong harapan. Imulat ang mga mata dahil marami siyang kamalian na hindi mo dapat kilalanin. Lucky color: Orange, lucky number: 20.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) –– Ang nararamdamang pisikal na atraksyon ay hanggang doon lamang. Wag itong ituring na totoong pagmamahal. Makabubuting umiwas na bago ito magbunga ng isang pagkakamali. Lucky color: Red, lucky number: 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Bibigyan ka ng mas malaking responsibilidad sa araw na ito. Maraming tao ang involved kaya kailangang maipakita ang pagiging tunay na lider. Lalabas ang tunay na kulay nang isang inakala mong kaibigan. Lucky color: White, lucky number: 3.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May oportunidad ngayon para magkaroon ng koneksyon sa isang taong may malaking maitutulong sa iyong career. Hindi rin nalalayo ang isang pagbibiyahe. Makiayon sa mga pangyayari at hindi ka mabibigo sa mga resulta. Patuloy na magsikap. Lucky color: Violet, lucky number: 20.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Masyado mong pinapahirapan ang sarili mo sa bawat bagong responsibilidad. Hindi masamang magrelaks. Kung naibuhos mo na ang effort mo, hintayin mo na lamang ang resulta. Lucky color: Maroon, lucky number: 7.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May ilan pang hamon sa iyong landas para tuluyang makamit ang isang goal na may kinalaman sa aspeto ng pananalapi. Pag-isipan nang husto ang mga gagawing hakbang. Hindi puwedeng daanin sa paspa-san ang pagpaplano dahil malaki ang nakasalalay. Lucky color: Sea Green, lucky number: 9