Abante Tonite Interactive

Horoscope 06/25/2019

404

Andi Eigenmann
Kaarawan : Hunyo 25, 1990

Sila ang pinakamapagmahal sa lahat ng zodiac. Mistula silang inahin sa kanilang mga inakay na laging nakabantay.

Nagmamahal nang walang kondisyon o hihintay na anumang kapalit. Likas sa kanila ang ganitong ugali kaya naman dapat silang pakai­ngatan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –– Wala kang hindi makakayang gawin sa araw na ito. Walang duda sa iyong abilidad pero nasasakripisyo naman ang iyong personal na relasyon. Bigyan din ng panahon ang iyong lovelife. Kailangang balanse ang buhay. Lucky color: Gray, lucky number: 22.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Gawing memorable ang araw na ito para sa iyong partner. May oras para magpokus sa trabaho at ibang commitment pero ang oras na iyo ay para sa usaping puso. Damhin ang saya sa buong araw. Lucky color: Blue, lucky number:33.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – ‘Wag magpakontrol sa iyong limitasyon. Buksan ang sarili sa maraming posibilidad. May pagkakataong dapat kang lumabas sa iyong comfort zone at i-explore ang anumang nasa labas nito. Lucky color: Gray, lucky number: 40.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mahirap para sa iyo ngayon ang mag-express ng mas malalim na nararamdaman. ‘Wag magmadali, ihanda muna ang sarili para matiyak na masasabi mong lahat. Maging maingat sa iyong kilos at salita. Lucky color: Violet, lucky number: 51.

Related Posts

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kahit pakiramdam mong hindi ka sineseryoso ng iba, ‘wag panghinaan ng loob. Mas importante na nauuwaan ka ng iyong mga kaibigan at buo ang tiwala nila sa iyo. Lucky color: Red, lucky number: 16.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Isa sa mga pinapangarap mo ang puwedeng maging katotohanan sa araw na ito. Lumabas at hanapin ang iyong suwerte. ‘Wag magsalita ng tapos dahil hindi mo alam ang mga mangyayari sa hinaharap. Lucky color: Maroon, lucky numer: 40.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Maraming humahanga nang pasikreto sa iyo. Hindi mo lang alam na matagal na nilang gustong lumapit subalit may humaharang. Isa kang inspirasyon sa mga taong nakapaligid sa iyo pero mas hi­git sa isang indibidwal na matagal nang may lihim na paghanga. Lucky color: Blue, lucky number: 10.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) –May matinding pangangailan sa isang makakausap. Marami kang gustong sabihin at isiwalat. Marahil mas mabuting humarap sa pamilya na siya mong maasahan sa oras na ito. Magpakatatag. Lucky co­lor: Blue, lucky number:41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Mas committed ka ngayon pagdating sa iyong lovelife. May kakaibang nararamdaman at hindi mapalagay. May tendency rin na maging mas emosyunal ka ngayon. Sabihin ang gustong sabihin. Ngayon na ang pagkakataon mo. Lucky color: Violet, lucky number: 1.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –– Kung ikaw ay nasa isang committed relationship, ikaw ngayon ang kailangang may hawak ng kontrol. Kumbinsihin muna ang kapartner para hindi magkaroon ng aberya. Maraming dapat pag-usapan para sa ikakatahimik ng lahat. Lucky color: Yellow, lucky number: 8.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –– Mas advance kang mag-isip ngayon at nahihirapang makisabay ang iyong partner. Huwag iparamdam ang pagkaubos ng pasensya, kailangang lawakan pa ang pang-unawa. May mga bagay na dapat palampasin. Lucky color: Gray, lucky number: 50.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mara­ming ideyang pumapasok sa isip mo pero kulang ka sa oras para himayin ang bawat isa. Isantabi muna ang ilang obligasyon para magkaroon ka ng sapat na panahong makapag-isip. Mas makakaisip ng mas magandang negosyo kung walang masyadong ginagawa. Lucky color: Pink, lucky number: 8.