Abante Tonite Interactive

Horoscope 06/26/2019

400

Ariana Grande
Kaarawan: Hunyo 26, 1993
Mahirap sa mga Cancerian ang magtiwala sa ibang tao, lalo na kung may kinalaman sa usapin sa puso. Kapag nagmahal, handa silang maghintay at harapin ang maraming pagsubok para sa isang tunay na pag-ibig.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mara­ming kailangang gawin at ang mga gawaing ito ay kailangang matapos sa lalong madaling panahon. Ilang importanteng tao rin ang kakailanganing kausapin. Lakasan ang loob sa mga gustong sabihin. Lucky color: Gray, lucky number: 40.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Sapat ang energy mo sa araw na ito. Sa gitna ng kaabalahan, nangangailangan pa rin ng atensyon ang iyong kalusugan. Bigyan ng panahon ang ehersisyo. Kailangan mong pawisan. Lucky color: Yellow, lucky number: 18.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Nasukat mo na kung sino ang mga tunay mong kaibi­gan. Panahon na para maglinis ng basura. Alisin ang mga nagpapabigat sa buhay mo. Lucky color: White, lucky number: 40.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May oras pa para magplano kaya umpisahan na ito nang walang pagsisihan sa dakong huli. Huwag pabayaan ang isang isyung may kinalaman sa pananalapi. Mahirap nang mapasubo sa isang ma­laking usapin na maaring makasira sa iyong pa­ngalan. Lucky color: Orange, lucky number: 22.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Huwag pahirapan ang sarili sa pag-iisip. Sa araw na ito, i-enjoy mo muna ang mga nangyayari. Iwasang kuwestyunin ang pagmamalasakit ng iyong pinagtitiwalaang kaibigan. Gumawa lang muna at wag bantayan ang oras. Lucky color: Pink, lucky number: 38.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kung may pinaplanong project, magandang araw ito para mag-umpisa. Samantalahin din ang mas matalakas na intuition ngayon. May kutob na kailangang bigyang-pansin. Lucky color: Brown, lucky number: 5.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Magandang araw ito para patunayan ang iyong abilidad. Marami rin ngayon ang umaasa sa iyong sasabihin. ‘Wag silang biguin. May magandang hatid na balita ang isang sulat. Lucky color: Vio­let, lucky number: 11.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May makukumpletong importanteng gawain. Sa hirap na dinaanan para maayos ito, deserve mo ang matatanggap na papuri. Magpahinga din kung may libreng oras. Lucky color: Silver, lucky number: 33.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – May bakasyon na biglaang mabubuo. Deserve mong mabigyan ng mahabang pagrerelaks ang sarili. Lucky color: Peach, lucky number: 48.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Magiging abala sa araw ito. Maraming dadalaw na bisita. Istimahin sila at pameryendahin. Magiging masaya ang kwentuhan na maaring maging daan sa isang negosyo. Lucky color: Brown, lucky number: 40.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Isyung may kinalaman sa pamilya ang puwedeng maging sentro ng araw na ito. Huwag mangamba, mag-eenjoy ka naman sa resulta. Lucky co­lor: Red, lucky number: 19.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May isang espesyal na tao na mangangailangan ng iyong atensyon ngayon. Pagbigyan ito at ‘wag pagdamutan. Huwag masyadong isagad ang iyong effort, magtira ng oras para sa sarili. Maglibang o mamasyal sa ibang lugar. Lucky co­lor: Maroon, lucky number: 22.