Abante Tonite Interactive

Horoscope 06/27/2019

594

Polo Ravales
Kaarawan: Hunyo 27, 1982

Hindi mapapantayan ang kaligayan ng mga Cancer man kapag masaya ang kanilang pamilya. Nakasentro ang kanilang mundo sa pamilya. Misyon nila na bigyan ng seguridad ang bawat isa ng kanilangmahal sa buhay. Mas gusto nilang magtanim nang malalim na ugat at makita ang magandang usbong ng kanilang family tree.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May matin-ding pressure ang araw na ito dahil sa maraming obligasyon at responsibilidad. Piliting huwag mawala sa focus. Umiwas sa stress dahil ito ang magpapatamlay at magpapabagal sa iyong isip. Lucky color: Green, lucky number: 34.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Bigyan ng pahinga ang iyong sarili sa gitna ng mga kaabalahan. Mas maaabot mo ang iyong full potential kung balanse ang oras. Wag kalimutan ang mga taong nagmamahal at patuloy na naniniwala sa iyo. Kung may extra mas mabuting i-treat sila. Lucky color: Orange, lucky number: 10.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Posibleng makaranas ng kalungkutan sa loob ng pamilya. May mabigat na isyu na kailangang pagdaanan. Sa iyong lovelife, wala kang dapat baguhin. Sapat ang suportang natatanggap mula sa iyong mahal. Lucky color: Violet, lucky number: 20.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –Maraming isyu na kailangang harapin bago mo makita ang liwanag. Chill ka lang dahil kailangang mong pagdaanan ang lahat ng pagsubok. May ilang matang nakatingin at hindi natutuwa. Ituloy lang nang maayos ang trabaho. Lucky color: Red, lucky number: 2.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mare-realize mo na walang benepisyong ibinibigay sa iyo ang patuloy na galit. Palayain ang sarili sa mga bagaheng hatid nito bago ka magkasakit. Maging open sa iyong partner. Siya lang ang tanging makakaunawa sa iyo ngayon. Lucky color: Green, lucky number: 50.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kailangan mong rebyuhin ang pagkakakila sa ilang tao sa iyong paligid. Kailangang baguhin sa iyong naging aksyon, dapat mo itong gawin sa tamang paraan. Lunukin muna ang pride.Ang mahalaga ay mailagay sa ayos ang lahat. Lucky color: Blue, lucky number: 4.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mas malaki ang kumpiyansa mo ngayon. Kung merong mga pagdududa, linawin ito sa kinauukulan. Mas healthy ang relasyon kung bukas ang komunikasyon. Bawasan ang sobrang alalahanin. Lucky color: Gold, lucky number: 36.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) –– Naghahatid ng mabigat na pakiramdam ang mga negatibong iniisip. Piliing maging positibo sa araw na ito. Mahirap gawin pero makakaya mo kung gugustuhin. May posibilidad naman ng dagdag na kita sa iyong trabaho. Lucky color: White, lucky number: 21.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) –– Nakakalunod ang tila napakaraming obligasyon na ipinapatong sa iyong balikat. Sikaping maging kalmado. Wala kang ibang pagpapasahan nito kundi ang iyong sarili. Mas mabuting pag-aralan ang gagawin at pagba-budget ng oras. Lucky color: Yellow, lucky number: 23.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Wag nang bigyang puwang ang pagseselos at pagdududa sa isang relasyon. Ang mga insecurities mo ang tila anay na sisira sa magandang pagsasamahan. Kung mahal mo ang taong kasama mo ngayon, pahalagahan ang kanyang opinyon. Lucky color: Brown, lucky number: 48.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –Pabor sa iyo ang araw na ito. Maraming makakapansin sa kakaibang awra. May komplikasyon sa aspeto ng iyong lovelife pero hindi ito makakaapekto sa magandang mood. May hiwagang daraan sa iyong buhay. Mas mabuting panatilihin itong misteryo. Lucky color: Blue, lucky number: 40.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –Iwan na ang mga isyu sa na ang ang magpatawad. Sa aspeto ng pananalapi, hindi masamang gumastos pero magtakda lamang ng karampatang budget. Huwag ubusin ang pera sa isang iglap. Lucky color: White, lucky number: 55.