Abante Tonite Interactive

Horoscope 06/29/2019

340

Jewel Mische
Kaarawan: Hunyo 29,1990
Kung makikilala mo ang isang Cancer woman, asahan na hindi agad sila mag-o-open ng kanilang damdamin. Sobra silang mahiyain at hindi sasa­bihin ang lahat tungkol sa kanilang sarili sa first meeting. Kailangan pa ng mahabang oras o panahon bago sila magtiwala sa isang kakilala o kaibigan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ito ang araw para igiit ang gusto mo. Makikiayon sa iyo ang lahat kaya walang magiging problema. May hatid na saya ang sagot sa mga itinatanong. Lucky color: Green, lucky number: 34.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Huwag mag-alala kung meron ka mang hindi matapos ngayon. May bukas pa para gawin ito. Samantala, mas bigyan ng prayoridad ang pag-aayos ng sarili dahil may espesyal na bisita na darating. Lucky color: Violet, lucky number: 45.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Hindi ka puwedeng umasa sa ibang tao. Kailangan mo ring magsolo ng diskarte lalo na sa paglutas ng iyong mga problema. Sa mga ganitong pagkakataon, sarili mo lamang ang tunay mong maaasahan. Lucky color: Brown, lucky number: 12.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mamumulat sa iyong mga mata sa tunay na nagaganap. May bago ring oportunidad sa iyong career na magpapatingkad ng iyong abilidad, ‘wag itong sayangin. Magbasa para sa dagdag na kaalaman. Lucky color: Maroon, lucky number: 4.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kung kailangan mong dumistansya muna sa maraming tao ay gawin ito. Pinapaboran ang pagpunta sa isang hindi pa napupuntahang lugar at maaari mo itong gawin ngayong weekend. Huwag nang lumayo at gumastos nang malaki. Nasa malapit lang ang ikakasaya mo. Lucky color: Red, lucky number: 11.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Isang indibidwal ang interesado sa iyo at determinado kang suyuin. May sikreto ang taong ito na biglang mabubunyag. Talasan ang mga mata at pakiramdam. Lucky color: Orange, lucky number: 9.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Hindi sa lahat ng araw ay ikaw ang mauuna. Hindi masamang makisunod muna sa kagustuhan ng nakararami kung ito ang iyong gusto. ‘Wag nang pairalin ang pride. May benepisyong hatid ang teamwork. Lucky color: White, lucky number: 33.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Maraming tao ang gustong kasama ka sa araw na ito. ‘Wag nang magsuspetsa. Nag-e-enjoy lamang sila sa iyong personalidad at walang ibang motibo. Maaaring nagkakamali ka sa iyong inaakala. Lucky color: Gray, lucky number: 15.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Paborableng araw ito para umpisa­han ang isang bagong proyekto. May benepisyo ring idudulot ito pagdating sa pinansyal na aspeto. Maari ka ring makikilala dahil dito. Lucky color: Green, lucky number: 19.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kung may naging tampuhan sa pamilya, nga­yon ang tamang panahon para resolbahin ang isyu. Ang mga single at naghahanap pa lamang ng mamahalin ay mabibigyan ng pagkakataon ngayon. Lucky color: Violet, lucky number: 40.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Hindi paborableng magmukmok sa bahay ngayon. Lumabas at makihalubilo sa karamihan. Makipagkonek sa mga bagong kaibigan. May magandang punto ang isang matandang kakilala. Lucky color:­ White, lucky number: 44.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kung meron kang isinusulong na transaksyon, ngayon ang paborableng araw para itodo ang iyong effort. Mahirap kang tanggihan sa araw na ito kaya samantalahin ang pagkakataon. Maging masinop­ sa mga kagamitan. Lucky color: Silver, lucky number: 50