Abante Tonite Interactive

Horoscope 06/30/19

305

Mike Tyson
Kaarawan: Hunyo 30, 1966

Kilala sa pagiging intuitive, sentimental at sensitive. May pagkakomplikado ang personalidad dahil sa pagiging moody o paiba-iba ng isip. Nakasentro ang focus niya sa pamilya at mga mahal niya sa buhay.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang sitwasyon ang biglang magpapabago sa iyong pananaw sa buhay. Pansamantalang idistansya ang sarili sa isang taong negatibo dahil hindi ito makakatulong sa iyo. ‘Wag masyadong pahirapan ang sarili sa mga pag-aalala. Lucky color: Green, lucky number: 7.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Sa bawat pagpaplano, nandun ang ating best intention pero may mga pagkaka­taong hindi maiiwasan ang mga kapalpakan. Gawing eye opener ito sa mga susunod na proyekto. Lucky color: White, lucky number: 40.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May pagkakataong nauulit ang isang dati nang pagkakamali. Alam mo na kung ano ang dapat gawin. Tanggapin ito at move on na. Iwasang balikan angmga kasawian sa buhay. Lucky color: Orange, lucky number: 10.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –– Isang isyung may kinalaman sa nakaraan ang muling mabubuksan. Inakala mong nakalimutan mo na ito pero ang totoo, nasa likod lamang ito ng isip mo. Ngayon ang tamang pagkakataon para resolbahin ito at tuluyan nang kalimutan. Lucky color: Gray, lucky number: 25.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May isang bagay na hindi mo nagawa ang posibleng panghinayangan. Okay lang naman dahil maari mo itong gawin sa ibang araw. Mahirap ipilit ang mga bagay na itinatanggi ng iyong kalooban. Lucky color: 43, lucky number: 22.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Sa isang sensitibong sitwasyon, kailangang magdahan-dahan sa pag-aksyon. Sikaping wag mawala sa iyong kontrol ang lahat. Kung may masasandalan, gawin ito. Mas mabuting sumukob muna sa sariling pamilya. Lucky color: Violet, lucky number: 51.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Isang pagbabago sa sitwasyon ang magdudulot sa iyo ng pangamba. Wala itong negatibong epekto pero dahil nasanay ka na sa iyong comfort zone, kinatatakutan mo ang bawat pagbabago. Chill ka lang sa araw sa na ito. Lucky color: Yellow, lucky number: 30.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kapag nasasanay tayo sa isang posisyon, dun kadalasang nagi­ging mabigat ang katawan natin para kumilos. Hindi masamang magpasok ng mga pagbabago pero gawin itong paunti-unti. Mahirap madaliin ang sarili. Lucky color: Silver, lucky number: 30.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Ang pagdududa at pag-aalala ay parehong lumalaki kung iisipin nang husto. Sa halip na magpatangay sa ganitong emosyon, kumbinsihin mo ang sarili mo na maliit na bagay lamang ang mga ito. Magpokus sa positibo. Lucky color: Blue, lucky number: 3.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kung positibo ang pananaw mo sa buhay, mas madaling humarap sa mga hamon. Hindi nalalayo ang tagumpay kung ikaw mismo sa sarili mo ay kumbinsidong magagawa mo ito. Lakasan ang loob. Lucky color: White, lucky number: 10.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Maaring nagiging dahilan ka kaya lalong umiinit ang isang isyu. Idistansya muna ang sarili. Alisin ang inis o galit na nararamdaman at hayaan manahimik ang isyung ito. Lucky color: Violet, lucky number: 9.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Natural lamang na gusto mong ikaw ang laging may kontrol sa buhay mo. Gayunpaman, sa bawat tagumpay ay kadalasang merong isang indibidwal na nakatulong sa atin. Ipakitang lagi siyang may puwang sa buhay mo. Lucky color: Pink, lucky number: 48.