Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/01/2019

365

Princess Diana
Kaarawan: Hulyo 1, 1961
Kayang magtiis alang-alang sa pamilya. Isa ito sa mga katangian ng isang babaeng Cancerian. Maalaga at walang ibang hinahangad kundi ang mapabuti ang kalagayan ng mga mahal sa buhay at mga kaibigan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kung isang tao sa paligid mo ang gumagawa ng hindi maganda para sa iyo, hindi ka dapat magkunwaring masaya sa ginagawa niya. Kailangan mong umangal kung kinakailangan. Iparamdam mong hindi ka papayag na tapak-tapakan lang. Lucky color: Maroon, lucky number:25.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kailangan mong gumawa ng mas malaking ingay para maigiit ang gusto mo. Lahat ay may opinyon pero kaila­ngang matiyak mong naririnig din ang sa iyo. May taong humaharang sa mga intensyon mo. Lucky color: Orange, lucky number: 19.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Nasa taas ng iyong agenda ang mga usapin sa pera. Hindi na uubrang manatiling kapos sa budget kung may magagawa ka naman para mag-improve ang iyong sitwasyon. Maghanap ng ibang pagkakakitaan. Lucky color: Gray, lucky number: 12.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May mga bagay ka pang hindi natatapos pero isantabi muna ang mga ito. Magpokus sa isang bagong panimula habang nasa mga unang araw ng bagong taon. Ang prayoridad mo ngayon ay ang anumang bago na magdudulot sa iyo ng bagong sigla. Lucky color:­ Silver, lucky number: 33.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Anumang sitwasyon ang kaharapin, pakaiwasan na magalit o mapikon. Maraming dapat pagkaabalahan. Stay positive sa mga susunod na araw. Lucky color: White, lucky number: 44.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Mala­ki ang tsansa na makuha mo ang mga gusto mo. May mga taong hindi pabor na maging masaya ka pero wala silang magagawa dahil makikiayon ang mga pangyayari sa mga gusto mo. Lucky color: Blue, lucky number: 3.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Anuman ang posisyon mo, mas lalo pang magiging matatag o maaaring gumanda pa sa mga araw na darating. Ang mga pagbabagong papasok ay papabor sa mga kagustuhan mo. Hindi masamang itaas pa ang tinatarget. Alisin ang mga limitasyon. Lucky color: Pink, lucky number: 10.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Pagbigyan ang kagustuhang maging mas creative para magamit ang enerhiyang naipon mo sa mga nagdaang araw. Hindi rin masamang magplano na para maging engrande ang bakasyon. Lucky color: Green, lucky number: 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Kailangang itigil na ang pakikipagtalo sa mga kaibigan at kapamilya. Kontrolin ang iyong emosyon. Kung masyado nang nagiging ma­tabil ang iyong dila, kailangan mo munang magpreno at maging kalmado. Lucky color: Red, lucky number: 7.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Sa anumang sitwasyon, hindi masamang makipagkompromiso para lahat ng panig ay maging masaya. Hindi ka magkakamali ng direksyon. Kailangan lang umiwas sa padalos-dalos na desisyon. Lucky color: Yellow, lucky number: 10.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Walang dahilan para malungkot dahil papaganda pa ang takbo ng buhay para sa iyo. Hindi mo kailangang maawa sa sarili sa halip ay magpokus sa mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Lucky color: Brown, lucky numbe:50.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Pinapa­boran ang lahat ng bagong pagsisimula. Burahin ang anumang pagdududa sa halip ay magtiwala sa iyong kakayahan. Sa pamamagitan ng suporta ng mga taong nagmamalasakit sa iyo, ang lahat ay magagawa mo. Lucky color: Violet, lucky number: 51.