Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/02/2019

305

Lindsay Lohan
Kaarawan: Hulyo 2, 1986
Peace –loving ang mga babaeng Cancerian at masyadong passionate sa kanilang trabaho. Sa isang iglap ay biglan magbabago ang mood na palaisipan sa mga taong hindi nakakakilala sa kanila. Manatiling kalmado kapag sila’s kausap at kalaunan, mauunawaan mo din ang pinaghuhugutan ng kanilang kakaibang personalidad.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Wag munang magbigay ng anumang konklusyon kung wala pang sapat na ebidensya. Mahirap mapasubo sa malaking isyu. Maging open sa lahat ng posibilidad at laging makinig sa paliwanag bago magsa-lita. Lucky color: Orange, lucky number:6.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Sa nga-yon ay maaring masakit pa ang kalooban sa mga nangyari. Pagkasyahin ang dalang pera. Tandaang ang pinakamahalaga sa ngayon ay ang kapakanan ng nakakarami. Lucky color: Yellow, lucky number:18.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Hindi ka mahihirapang pakiusapan ang isang kasamahan. May katwiran angiyong ipinaglalaban. Gayunman, wag magpakita ng sobrang pagkukumpiyansa. Lucky color: Gray, lucky number: 40.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – M­aging bukas sa isang taong ngayon mo lamang nakikilala. Bigyan siya ng pagkakataong mapatunayan ang kanyang sinseridad. Maaaar mo siyang maging espesyal na kaibigan. Lucky color: Brown, lucky number: 43.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Gustong makipaglaban nang sabayan pero hindi uubra ito. Kailangan pa rin ang diplomasya kung ayaw mong malagay ka sa alanganing sitwasyon. Habaan pa ang pasensya. Nasa iyong direksyon ang paparating na suwerte. Lucky color: Silver, lucky number: 30.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Ang mga nangyayari ay dapat ituring na wake up call. Wag masyadong magpadala sa stress. Ang lahat ng nangyayari ay may dahilan. Lucky color: Gold, lucky number: 29.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Ang pakikipag-usap sa mga taong pinagtitiwalaan ay may malaking maitutulong para mabawasan ang stress na nararadaman. Wag sarilinin ang bigat, maraming gustong umalalay. Lakasan ang loob at huwag matakot. Lucky color: Gold, lucky number: 50.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Maaring hindi ka komportable sa ibinubuhos sa iyong atensyon at pagkilala. Pero deserve mo ang lahat ng ito. Wag masyadong maliitin ang sarili. Maging mapili sa taong bibigyan ng pagtitiwala. Lucky color: Orange, lucky number: 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Ilang taong malapit sa iyo ang maaa-ring pag-ugatan ng iyong stress. May kalituhang hatid ang hindi pangkaraniwang ipinakikita nila. Kakailangan mong magpaliwanag para maintindihan. Lucky color:; Blue, lucky number: 2.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mas mabuti pa rin ang may kakaunti kaysa 100 percent na walang-wala. Kailangan munang magtiis. Wag matakot, hindi ito pangmatagalan. Malapit nang malasap ang inaasam na kaginhawahan. Lucky color : Violet, lucky number: 39.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May hatid na sorpresa ang paglapit sa iyo ng isang indibidwal. Ang kanyang ilalapit na problema ay nagpapakitang may mataas siyang pagtingin sa iyo. Kung makakaya at huwag mo siyang biguin sa kanyang pakiusap. Lucky color: Violet, lucky number: 33.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Sa gitna ng tambak na obligasyon, bigyan pa rin ng panahon ang romansa. Ito ang magbibigay sa iyo ng dagdag na inspirasyon para harapin ang mga dapat mong gawin. Lucky 12