Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/03/2019

328

Tom Cruise
Kaarawan:
Hulyo 3, 1962

Laging maga­lang at hindi masyadong masalita. Isa siyang huwarang nilalang pagdating sa pagi­ging ma­ginoo. Matulungin at may pagka-con­servative lalo na sa mga paniniwala sa buhay.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May tensyon sa paligid at maaaring dahil ito sa isang kaibigan. Piliing maging kalmado at wag munang patulan ang mga nag-iinarteng karakter sa paligid. Panatilihin ang composure kahit naiinis. Lucky color: Gray, lucky number: 12.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kailangan mong maging praktikal sa araw na ito. Isa ring kaibigan ang mangangailangan ng iyong pag-alalay. Mas madali ngayon ang linya ng komunikasyon kaya’t mas mabuting tawagan ito bago puntahan. Lucky color: Silver, lucky number: 10.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Mas epektibong magtrabaho kung meron kang katuwang. Huwag solohin ang problema. Pagbigyan ang isang taong nakikiusap. Iparamdam na handa kang tumulong. Lucky color: Gold, lucky number: 22.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Bigyan ng panahon at atensyon ang iyong kalusugan. Pakiramdam nang sarili. Ikaw lang ang makaalam kung ano ang dapat sa iyong katawan. Kung may bagong diet, walang masama kung susubukan ito. Lucky color: Blue, lucky number: 3.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –– Nakikiayon ang mga pangyayari ngayon kasama ang isyu ng pananalapi. Marami kang maa-accomplish at dapat lamang itong ipagma­laki. Huwag maging kampante sa bagong lugar. Lucky color: Brown, lucky number: 51.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kailangan mong makipagkompromiso. Mas madali ngayon ang makia­yon kaysa kumontra partikular sa taong malapit sa puso mo. Huwag maniwala sa mga sabi-sabi.Lucky co­lor: Yellow, lucky number: 20.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Isang taong malapit sa iyo ang masyadong nahihirapan sa kanyang sitwasyon. May maitutulong ka kaya huwag na siyang pagkaitan. Masusuklian ang iyong pagdamay sa ibang paraan. Lucky color: White, lucky number: 12.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ang inaakala mong wala ng pag-asa ay mu­ling mabubuksan para sa iyo. Huwag itong katakutan. May maitutulong ang isang kapamilya. Lucky color: Violet, lucky number: 9.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) –– Kailangan ngayon ang mga tiyak na plano. Huwag ipaubaya sa tsansa ang lahat. May mga kapalpakang posibleng mangyari kung hindi magpopokus. Lucky color: Orange, lucky number: 30.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –– Kailangan ngayon na may tiyak kang plano. Maraming tanong na kailangang sagutin. Isipin ang mga gustong gawin . Kung saan ka masaya ay ito ang sundin. Lucky color: Gray, lucky number: 10.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – ‘Wag masyadong patangay sa pantasya ng iba. Kailangan mong maging mas realistic para hindi mapag-iwanan. Isalba ang isang kasama sa malaking kahihiyan. Lucky co­lor: Silver, lucky number: 55.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May pagka-intense ang araw na ito. Pero hindi naman kailangan mawalan ng oras sa pagsasaya. Maging handa lamang sa anumang sitwasyon. Buksan ang mga mata sa isang lantad na katotohanan. Lucky color: Gold, lucky number: 45.