Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/04/19

310

Teofisto Guingona Jr.

Kaarawan: Hulyo 4, 1928
Pinaka-emosyunal na sign ng zodiac ang Cancer. Hindi nila basta ipinapakita ang tunay nilang nararamdaman. Mas gusto nilang magtago kaysa ilantad ang kanilang feelings.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Hindi ka dapat mawala sa tamang pokus. Tiyaking alam mo kung ano ang mga tunay mong prayoridad at huwag ang prayoridad ng ibang tao. Mahirap mabuhay sa regrets. Kailangang solido ang posisyon mo ngayong marami ang nagbago. Lucky color: Maroon, lucky number: 31.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Lahat ng kaengkuwentro mo ngayon ay may magandang maiaalok sa iyo. Tingnan ang bawat posibilidad dahil dito ka matututo. Sa isang relasyon, importante ang give and take. Lucky color: Red, lucky number: 32.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –– Tiyaking lahat ng mga trabahong naka-pending ay matatapos mo. May usapin sa pera na kailangan nang harapin. Makipag-usap sa isang tao pero siguraduhing wala siyang hihinging mahirap na kapalit. Gawin kung ano ang tama at dapat . Lucky color: Orange, lucky number: 15.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –– May ilang isyu sa loob ng tahanan na biglang makakalkal. Kailangan mong pairalin ang iyong pasensya para ganap itong maresolba. Iwasang mag-init ang ulo dahil lalo lamang ito magpapalala sa sitwasyon. Lucky color: Yellow, lucky number: 18.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –– Iwasang magpadala sa pressure. Lumayo muna sa mga kaibigan kung iritado. Dumistansya lalo na kung hindi mo alam ang bawat anggulo. Hindi lahat ng nakikipagkaibigan ay totoo. Lucky color: Gray, lucky number: 10.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –– Iwasang magbigay ng impormasyon na sikreto. Makinig, makipagdiskusyon pero huwag ilantad ang lahat ng barahang hawak mo. Mag-ingat sa bibigyan ng pagtitiwala. Lucky color: Violet, lucky number: 11.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Huwag matakot magtanong kung naguguluhan. Hindi lahat ng ginagawa ng itinuturing mong kaibigan ay dapat tanggapin. Tiyakin muna kung saan ka ihahatid ng bawat aksyong . Mahirap mapasubo. Lucky color: Blue, lucky number: 48.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Pakaiwasang makagawa ng isang malaking pagkakamali na may kinalaman sa pera. Anumang mawawala sa iyo ay malabo nang bumalik. Protektahan ang sarili. Lucky color: Silver, lucky number: 26.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Lumabas kasama ang mga kaibigan. Gawin ang mga bagay na nakakapagpasaya sa iyo. Pero huwag kalimutang maging tapat sa relasyon. Maka- tutulong ang isang heart-to-heart talk. Lucky color: Brown, lucky number: 41.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Targetin mo lamang ang maabot ng iyong kakayahan. Sa pagkakataong ito, mahirap makipagsapalaran. Doon ka muna sa sigurado ka. Importante na marami kang alam tungkol sa nangyayari sa paligid. Lucky color: Gold, lucky number: 19.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Umaksyon para maabot ang iyong goals. Kailangan mong maging focus. Marami nang nasa-yang na pagkakataon. ‘Wag ding kalimutang maging mabuting kaibigan. Lucky color: White, lucky number: 9

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ang susi ng araw na ito ay sa ganap na pagtanggap at pag-unawa.. Humanap ng paraan para maging mas madali ang buhay para sa iyo at higit para sa mga mahal mo sa buhay. May bagong inpirasyon. Lucky co-lor: Pink, lucky number: 40.