Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/05/19

319

Park Ji-min
Kaarawan: Hulyo 5, 1997
Madaling masaktan ang mga babaeng Cancerian. Hindi sila sanay sa mga komprontasyon. Mas gugustuhin nilang magmukmok kaysa makipagtalo. Gayunman, madali silang lambingin lalo na kapag dadalhan mo sila ng paborito nilang pasalubong.

Related Posts

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May mga hadlang sa iyong mga plano kaya importante na may plan B. Dagdagan pa ang pasensya at pagtitiyaga, maaabot mo rin ang pinapangarap mo. Lucky color: Violet, lucky number: 30.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mara-ming obligasyon ang tila nagkakapatong-patong na kaya nagdudulot ng stress. Magrelaks kahit sandali. Isama ang panalangin sa araw na ito. Lucky color: Maroon, lucky number: 4.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Mataas ang kumpiyansa mo sa sarili. Ito ang magsisilbing lakas mo para makamit ang iyong mga goals. Alam mo kung ano ang gusto mo at alam mo rin ang iyong limitasyon mo. Makipag-bonding sa mga bata. Lucky co-lor: Green, lucky number: 20.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –– Kailangang maging alerto ngayon dahil mas madali kang magkamali kaysa karaniwan. Iwasan din munang gumawa ng desisyon. Hindi pa handa ang iyong kalooban kaya’t magpalipas muna ng ilang araw bago bumawa ng pinal na desisyon. Lucky color: Yellow, lucky number: 5.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –Wag magpatangay sa sobrang excitement dahil maaari may aberya sa umaga. Pinapaboran naman ang pakikipagrelasyon lalo na sa mga single pa lamang. Pahalagagan ang taong nagbibigay ng saya sa iyong puso. Lucky color: Gray, lucky number: 11.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kailangan mo ng tagapayo para sa mga plano mong may kinalaman sa hinaharap. Magandang araw naman ito para sa aspeto ng romansa. Maraming lalapit at magpapakilala sa iyo. Lucky color: Orange: lucky number: 11.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –– Ang anumang pressure sa nakaraang araw ay patapos na. Manatiling kalmado sa lahat ng pagkakataon. Bago umaksyon, siguraduhing sumusunod ka sa plano.Pansinin ang taong nagpaparamdam na may interes sa iyo. Lucky color: Blue, lucky number: 22.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Iwasang magbi-gay agad ng konklusyon kung hindi mo pa alam ang buong kuwento. May kalituhan sa paligid pero hindi naman ito magtatagal. Malalaman mo rin ang katotohana­n kaya kontrolin muna ang anumang reaksyon. Lucky color: Brown, lucky number: 1.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Dagdag pang responsibilidad ang ipapasa sa balikat mo ngayon. Kailangan mong magpaka-mature dahil may mga taong umaasa sa iyo. Ilang isyu sa personal na buhay ang ma-ngingibabaw sa araw na ito. Lucky color: Silver, lucky number: 52.
CAPRICORN (Dis-yembre 22-Enero 19) – May positibong impluwensya na magbubukas ng daan para makapag-level up ka ngayon. Wala nang atrasan patungo sa iyong mga pangarap at ambisyon. Magdudulot ng kasiyahan ang tulu-yang pag-move on. Lucky color: White, lucky number: 11.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –May ilang distraksyon at ito’y mula sa nararamdamang pressure. May ilang rush na pagdedesisyon na kailangang gawin. Sa aspeto ng romansa, mas magiging close ka sa iyong partner ngayon. Lucky color: Maroon, lucky number: 34.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –– May tendency ka ngayon na palakihin ang mga maliliit na isyu. Magigign extra senstitive dahil sa dinaramdam. May bugso ng emosyon, mag-ingat sa mga sasabihin. Lucky color: Red, lucky number: 55.