Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/06/19

311

HOROSCOPE
Sylvester Stallone
(American actor)
Kaarawan:
Hulyo 6, 1946
Matiisin at hindi basta sumusuko. Mahiyain pero kapag naging kumportable ay lalabas ang taglay na kakulitan.Hindi mahirap pakisamahan dahil sa kanyang warm na personalidad.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Pinapaboran ang pagbibiyahe pero may kaunting aberya. Maaaring pagmulan ng hindi pagkakaunawaan kung sasarilinin mo ang desisyon. Magtanong para sa ibang opsyon. Lucky color: Violet, lucky number: 33.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Maraming taong handang tumulong sa iyo ngayong araw na ito kahit walang hinihintay na kapalit. ‘Wag nang pairalin ang pride. Tanggapin ang mga nangyari na nang buong puso. Lucky color: Yellow, lucky number: 1.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Mas mabi­gat ngayon ang mga nangyayari, mas marami ring kalituhan. ‘Wag panghinaan ng loob dahil pansamantala lang ito. Muling sisikat ang araw sa iyong buhay. Lucky color: White, lucky number: 9.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Gamitin ang iyong taglay na karisma para mas mara­ming mahikayat na tao. Mas madali mong magagawa ang mga dapat gawin kung walang pagkontra sa iyong paligid. Daanin ang lahat sa diplomasya at maayos na pakikipag-usap. Lucky color: Gray, lucky number: 30.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – ‘Wag ha­yaang maapektuhan ng mga isyu sa pera ang buhay mo. Lahat ng bagay ay may solusyon. Kailangan lamang habaan pa ang paghihintay para sa tamang pagkakataon. Kalmahin ang sarili. Lucky color: Orange, lucky number: 9.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kung may sensitibo kang dapat sabihin, ngayon mo ito gawin dahil mas mauunawaan ka ng taong kasama mo. Huwag kalimutan ang pangako. Mara­ming mata ang nakatingin sa iyong direksyon sa araw na ito. Lucky color: Blue, lucky number: 4.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Ang isang dating kinatatakutan mo ay magiging mas malinaw para sa iyo. Maraming oportunindad na nabuksan. Walang dahilan para magtampo sa kasuyo na may dinaramdam. Lucky color: Red, lucky number: 34.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Huwag nang magulat kung magkakaroon ng ilang pagkakataon ngayon at sa susunod pang araw. Mag-enjoy lamang sa mga pangyayari. Ikaw ngayon ang focus ng isang selebrasyon. Maghanda sa mara­ming bisita. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Kalimutan na kung anuman ang pagkakamaling nangyari sa nakaraan. Magpokus na lamang sa kasalukuyan at sa hinaharap. Mas makakapagsimula ka nang maayos kung magaan sa kalooban ang ginagawa. Lucky color: Brown, lucky number: 4.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Isang bagay na nagdulot ng pagkabalisa sa ilang araw na nagdaan, ngayon ay magkakaroon ito ng kaliwagan. Makikita mo na kung saan ito nag-ugat. Ito ang piliting solusyunan. Lucky color: Silver, lucky number: 22.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – ‘Wag nang magtaka kung wala ka sa mood na gumawa ngayon ng mabibigat na trabaho. Ang isang pagod na isip ay naghihintay ng sapat na pahinga at pagrerelaks. ‘Wag itong ipagkait sa iyong sarili. Magpahinga dahil ito ang iyong kailangan. Lucky color: Red, lucky number: 10.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – ‘Wag personalin ang opinyon ng bawat isa. Respeto lamang ang kailangan para matanggap mo na meron talaga kayong pagkakaiba. Maging pala­kaibigan sa mga kasamahan Lucky color: Pink, lucky number: 8.