Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/07/19

0 366

KIM BUM
Kaarawan: Hulyo 7, 1989

Maari silang pagkatiwalaan lalo na kung tungkol sa mga sikreto at pera. Hindi sila madaling matukso kaya naman secured ang kanilang mga minamahal dahil sa pagiging loyal nilang kapartner.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kakailanganin mong ibuhos ang iyong effort pagdating sa isang project o trabaho. May kapalit naman itong magandang kapalit na makakatulong sa ilang isyung pinansyal. Lucky coplor: Yellow, lucky number: 24.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Paborableng araw ito kung tungkol sa arts ang pag-uusapan. Ipakita ang iyong creative side at marami ang mapapahanga. Posible rin itong magbukas ng isang oportunidad na puwedeng makadagdag sa iyong income. Lucky color: Gray, lucky number: 30.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Posibleng maging isyu ngayon ang problema ng isang kaanak. Maaaring may kinalaman ito sa paglipat ng lugar. Manatiling positibo, makukuha mo ang kakailanganin mong pag-alalay. Lucky color: Blue, lucky number: 17.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –– Magbibigay ng malaking benepisyo ang isang kontrata na inilalapit sa iyo. Bukod sa dagdag na income, mas magkakaroon ka rin ng panahon para makapagrelaks at makapag-travel. Bigyan din ng pansin ang iyong ‘me time’ para i-pamper ang sarili. Lucky color: White, lucky number: 18.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –– Kailangan ng masusingplano para walang mangyaring aberya sa isang planong may kinalaman sa aspetong pinansyal. Lumayo muna sa anumang uri ng distraksyon para mas makapag-isip. Lucky color: Silver, lucky number: 59.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –– Sa anumang aspeto, kailangan nga­yong maghinay-hinay para matiyak ang panalo. May positibong benepisyo rin ang pakikisalamuha sa mas malaking grupo. Lucky color: Brown, lucky number: 11.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Sa pagkakataong ito, mas makakapagdulot ng benepisyo kung solo-solo muna ang diskarteng gagawin mo. Gamitin ang iyong charm para makuha ang target mo. Malaking pera ang nakasalalay. Lucky color: Pink, lucky number: 19.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Hindi mo kailangan ng maraming kaibigan kung wala namang sinseridad ang iba. Hindi na baleng kakaunti kung meron namang kalidad. Magtapon na ng mga bagaheng pampabigat lamang sa buhay. Lucky color: Orange, lucky number: 37.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Para mas mai-push ang iyong mga ambisyon na may kinalaman sa iyong career, dapat munang mag-low profile. Dagdagan pa ang iyong mga kaalaman habang naghihintay ng tamang pagkakataon. Kailangan lamang panatilihing bukas ang iyong mga mata at alerto ang iyong tainga para sa mga mabubuksang oportunidad. Lucky co­lor: Gold, lucky number: 41

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –– May oportunidad na makilala mo ang isang misteryosong indibidwal. Isang magandang pagkakataon ito para sa mga single. Sa aspeto ng iyong career, hindi masamang ibahagi ang iyong kaalaman sa mga nakababata sa iyo. Lucky color: Red, lucky number: 50.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Magsubi muna ng pera kaysa gumastos dahil kakailangan mo ito para sa mga darating na araw. May partner man o wala, malakas ang karisma mo sa opposite sex sa araw na ito. Kung may commitment na, mas makabubuting maagang dumistansya sa mga potensyal na admirer. Lucky color: Violet, lucky number:9.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Iwasang umasa sa ibang tao, kailangan malaki rin ang maging kontribusyon mo sa trabaho. May hatid namang sorpresa sa aspeto ng romansa. Kung meron kang crush at hindi ka pa naman committed sa sinuman man, hindi masamang magpahaging sa iyong nararamdaman. Lucky color: Maroon, lucky number: 23.