Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/08/2019

0 270

Jaden Smith
Kaaarawan: Hulyo 8, 1998
May pagpapahalaga sa pamil­ya. Handa niyang ibigay ang kanyang buong panahon para mapasaya ang mga mahal sa buhay. Likas sa mga lalaking Cancerian ang pagiging family oriented.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang babae ang lalapit at makikipag-usap. Huwag matakot dahil simple lang ang mga itatanong nito. Nasa pamilya ang pokus mo ngayon. Lucky color: Green, lucky number: 29.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Iwasan ang tukso. Kumalas sa grupo na alam mo na maling impluwensya. Ang pagkakaroon ng tamang attitude ang magiging susi ng iyong tagumpay sa buhay. Lucky color: Maroon, lucky number: 15.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kung may dapat kang iparating na mensahe, gawing simple ang sa­lita. Hindi kailangang sumigaw. Matutong makibagay sa mga taong nakakahalubilo. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – ‘Wag mag-aksaya ng oras sa mga hindi importanteng usapin. Mas maraming mahalagang bagay na kailangang gawin. Diretsahin ang kausap. Lucky color: Orange, lucky number: 34.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Iwasang kumontra lalo na sa mga taong mas nakakataas sa iyo. Mas makakaiwas sa gulo kung tatahimik lang. Makiramdam lang muna sa paligid. Lucky color: White, lucky number: 40.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Maaring madismaya ang sitwasyon ng iyong lovelife. Kontrolin ang paggastos na walang katuturan. Posibleng masagad sa iyong budget. Lucky color: Red, lucky number: 3.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May mga bagong ideya na maiisip sa negosyo. Sa araw na ito, ‘wag palagpasin ang isang pagkakataon na magbubukas ng mas magandang oportunidad para sa iyo. Lucky color: Blue, lucky number: 8.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Isang tao mula sa isang nakaraan ang babalik sa buhay mo ngayong araw na ito. May kakaibang mararamdaman. Gamitin ang pagkakataon para timbangin ang iyong damdamin. Lucky co­lor: Yellow, lucky number: 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Hawakang mabuti ang pera. Matatagalan pa bago bumalik sa normal ang lakas. Maraming nasayang na oras. Ingatan lamang na makalagpas ang isang magandang pagkakataon. Lucky color: Blue, lucky color: Violet, lucky number: 9.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Maaring magkaroon ng ilang isyu sa iyong lovelife. Dito masusubukan kung gaano na katatag ang inyong pagsasama. Iwasan lamang na lalo pang dagdagan ang drama. Lucky color: White, lucky number: 10.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung merong nawala sa iyo, ‘wag mangamba. Sa bawat nagsasarang pinto, may nagbubukas na bagong oportunidad. Kalma lamang dahil abot kamay na ang suwerte. Lucky color: Maroon, lucky number: 50.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Hindi paborable ang masyadong agresibo lalo na pagdating sa social media. Maaring magkaproblema sa kalusugan kung hindi mag-ii­ngat. Lucky color: Red, lucky number: 2.