Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/09/2018

616

Lewis Alfred Tenorio
(Kaarawan: Hulyo 9, 1984)

Kulang sa pasensya. Lalabas ang pagiging moody lalo na kapag tumatanda. Makasarili at mahusay sa mani­pulasyon. Mabilis silang tumulong sa mga nangangailangan dahil ayaw nila ng gulo. Kapag nakakaramdam na ng tensyon, mas gusto nilang umalis na lang nang walang paalam.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Iwasang patulan ang mga kasamahan sa trabaho na nakikipag-away. Ipakita ang pagiging propesyunal. Huwag bumaba sa lebel ng iba. Lucky color: Maroon, lucky number: 44.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Huwag matakot makipagsapalaran at sumugal pagdating sa iyong career. Magpokus muna sa iisang goal para meron kang matapos. Maging friendly sa mga bisita. Lucky color: White, lucky number: 5.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Hindi masamang lumabas sa comfort zone. Kailangan mo ring lakasan ang loob at lumapit sa isang taong pinagkakatiwalaan. Magtiwala sa sarili. Malayo ang mararating dahil sa kasipagan. Lucky color: Yellow, lucky number: 11.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Iwasan munang magreklamo sa nararanasang pressure sa trabaho. Tingnan ang lahat sa positibong anggulo. Alala­haning hindi lahat ay nabigyan ng pagkakataong ­tulad mo. Magpasalamat sa malaking suwerte. Lucky color: Black, lucky number: 43.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Gantihan ang magandang pabor. Ipakitang marunong kang tuma­naw ng utang na loob sa mga taong nakatulong sa iyo. Magsuot ng makulay na damit para lapitan ng suwerte. Lucky color: Green, lucky number: 10.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Harapin ang isyu na may kinalaman sa iyong career at posibleng hindi na ito makontrol ngayong araw na ito. Maging handa sa mga mainitang diskusyon pero iwasang ituring na personal ang mga komentong mariri­nig. Lucky color: Brown, lucky number: 29.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mas prone sa aksidente ngayon dahil sa padalos-dalos na pag-aksyon. Maaari itong pagmulan ng malaking aber­ya kung hindi mag-iingat. Iwasan din munang magbitaw ng anumang pangako na hindi mo sigurado na kaya mong tuparin. Lucky color: Green, lucky number: 9.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Hindi mo man kabisado ang isang tinatahak na landas, kaya mo itong lagpasan. Magtiwala sa Diyos at sa sarili. Sapat ang iyong kaalaman para humarap sa anumang pagsubok. Lucky color: Silver, lucky ­number: 18.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Isang kasamahan sa trabaho ang magiging ­espesyal na kaibigan. Daanin sa mahinahong pag-uusap ang pagresolba sa isyu. Huwag talikuran ang isang seryosong responsilidad. Lucky color: Gray, lucky number: 15.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Isang malaking tao ang magpaparamdam ng interes sa iyo. Huwag matakot dahil malinis ang hangarin nito. Kung may duda, gumawa ng mga pagsubok. Gamitin ito para makilala ang tunay niyang pagkatao. Lucky color: Pink, lucky number: 13.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Iwasang masyadong magpa-pressure sa mga taong nasa paligid mo. Habang alam mo ang ginagawa mo, hindi dapat paapekto sa sinasabi ng iba. Hindi mo mapapasaya ang lahat. Lucky color: Gold, lucky number: 26.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Sapat ang kumpiyansa para harapin ang isang importanteng trabahong iniaatang sa iyo. Makukuha mo ang positibong resultang hinihintay mo. Manatiling nakapokus. Ipanatag ang loob dahil nasa iyo ang malaking pabor na paparating. Lucky color: Violet, lucky number: 15.