Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/09/2019

479

LA Tenorio
Kaarawan: Hulyo 9, 1984

Kailangang ang isang malamin na koneksyon bago maging seryoso sa relasyon ang mga lala­king Cancerian. Kung nasaktan sa isang sitwasyon sa loob ng kanyang pa­milya, mahirap silang maging open kahit na mahal na mahal nila ang kanilang kapartner. Ayaw niya ng gulo at mas gustong maging kalmado sa mga sitwasyong kumplikado.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –– Hindi ito ang oras para magrelaks. May magiging aberya sa magagandang plano. Makabubuting nakaalerto para maagapan mo ito. Lucky color: Maroon, lucky number: 15.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mapopokus ang iyong atensyon sa isang espesyal na tao. Kailangan mong magdesisyon at kakailanganin mo ring manindigan. Ang iyong malawak na karanasan ang magiging daan para maitama ang mga nagawang kamalian. Lucky color: Gold, lucky number: 9.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May ma­laking improvement sa iyong ugali. May positive vibes itong dala. Mas marami ang makakapansin sa iyong abilidad. Hindi nga lamang lahat ay handang iparating ang kanilang paghanga. Lucky co­lor: Blue, lucky number: 43.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kaila­ngan mong magdesisyon tungko sa financial status. Isang proyekto rin ang ipagkakatiwala sa iyo. Pagbutihan ang performance. Lucky color: Gray, lucky number: 50.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –– Ikinokonsidera ang pagbitaw sa isang bagay na hindi mo kayang gawin. Ipagpaliban ang pagdedesisyon tungkol dito. Tiyakin muna na wala kang pagsisisihan sa bandang huli. Lucky color: Silver, lucky number: 40.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –– ‘Wag agad husgahan ang mga tao sa paligid mo lalo na kung wala kang batayan. Mahirap hanapin ang perfection sa mga panahong ito. Bigyan ng allo­wance ang mga maliliit na pagkakamali. Lucky co­lor: Yellow, lucky number: 20.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Nasa mood ka ngayon para maging mas mapangahas . Ipakita ang totoong lakas. Tapusin na ang pagpapanggap na walang kabutihang idudulot sa iyo. Iwasang pumasok sa masalimuot na relasyon. Lucky color: Gray, lucky number: 40.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Lumalaki ang butas ng bulsa. Kailangang kontrolin pa ang paggastos. Posibleng isa sa mga kapamilya ang masyadong nagiging maluho at kailangan mo itong kontrolin bago ka mabaon sa malaking utang. Lucky color: Brown, lucky number: 11.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Sarilinin muna ang mga plano. Mahirap nang mapasubo sa bagay na ayaw mo. Isang pinagkakatiwalaang tao ang magbubunyag ng iyong mga sikreto. Ihanda ang sarili sa malaking gusot. Humanda ka. Lucky color: White, lucky number : 2

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Isang kaibigan ang maaaring makasakit ng iyong damdamin pero ang sinasabi lamang niya ay katotohanan. Tanggapin ito at gamiting ins­pirasyon ang nangyari. ‘Wag masyadong ma­ging balat-sibuyas. Lucky color: Yellow, lucky number: 17.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Nga­yon ang pagkakataon para bumawi ka sa mga taong may malaking naitulong sa iyo. Ipakita ang pagtanaw ng utang na loob. Ikaw naman ang tumulong sa kanila. Lucky color: Green, lucky number: 44.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Iwasan munang ma-involved sa mga sitwasyon na maaa­ring makasira ng iyong reputasyon. Iwasang ma­ging mapangahas. Kailangan mong pairalin ang disiplina sa sarili para mas makaiwas sa mga hindi kailangang intriga. Ingatan ang pakatao at dangal. Lucky color: Red, lucky number: 47.