Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/10/2019

0 224

Doug Kramer
Kaarawan: Hulyo 10, 1983
Malambing pero hindi gaanong masalita. Super sensitive at kadalasang itinatago niya ito hanggang sa makakaya niya. Handa niyang ibigay ang lahat sa relasyon na alam niya na pangmatagalan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Maging honest sa iyong mga mahal lalo na tungkol sa estado ng pinansyal. Ito ang oras para makapag-bonding nang husto. Mara­ming dapat pag-usapan kahit sa maikling oras. Lucky color: Blue, lucky number: 8.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Sa gitna ng mga kasiyahan ay may hindi maiiwasang bad news. Wag na lamang pata­ngay sa drama na isa o dalawang tao. Bumawi sa iyong mga pagkukulang sa pamil­ya. Lucky color: Green, lucky number: 40.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Magpokus sa mga isyung may kinalaman sa pa­milya at career. Kailangan mong resolbahin ang lahat bago matapos ang taon para makapag-umpisa ng maayos. May ilang bagay sa iyong mga gamit ang kailangang nang itapon. Lucky color: Maroon, lucky number: 23.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Hindi mo kailangang mag-stay sa isang lugar na hindi mo feel. Kailangang maging mapili sa taong kakaibiganin. Maraming oportunista na gusto lang magsamantala sa iyong kabaitan. Dobleng ingat. Lucky color: Gray, lucky number: 50.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Magastos ang araw na ito at ang mga susunod pa. Kailangan mong gumawa ng mabigat na desisyon para mailagay sa ayos ang relasyon. Maging praktikal sa iyong desisyon. Lucky color: Yellow, lucky number: 38.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Manatiling kalmado sa anumang sitwasyon. Hindi mo kailangang magpata­ngay sa drama ng ilang tao. Alalahaning mas maraming nagmamahal sa iyo. Ikaw lang ang hinihintay nilang lumapit. Lucky color: Blue, lucky number: 38.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –– Ibigay ang buong atensyon sa iyong pa­milya at mga kaibigan para makabawi. Ihanda ang sarili sa mga susunod na eksena. Ma­ging masinop sa mga gamit. Lucky color: Maroon, lucky number: 7.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ipakita ang iyong determinasyon at mas magiging malakas ang iyong implu­wensya. Makinig sa ibang opinyon. Maaa­ring may mapulot na aral sa taong lagi mong kasama. Lucky color: White, lucky number: 26.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Hindi maiwasang maging emosyunal sa gitna ng mga kasiyahan. May kailangang ayusin sa sarili. Ikaw lang ang tanging makakalutas ng iyong problema sa puso. Lucky color: Gold, lucky number: 31.

CAPRICORN (Disyembre 22-Ene­ro 19) – Kailangang manaig ang sariling desisyon. Hindi masamang pakinggan ang opinyon ng mga taong nasa paligid mo pero alalahaning ikaw pa rin ang dapat masunod. Makinig sa katotohan . Lucky color: Brown, lucky number: 4.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Marami kang magagawa ngayon pero dapat pa ring maging prayoridad ang pa­milya. Huwag biguin ang isang pangako. May kilig na hatid ang bagong nakilala. Lucky color: Blue, lucky number: 21.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Gawin ang lahat para ma-enjoy ang buong araw. Importanteng makapagbigay ka ng atensyon sa mahal sa buhay. Maraming dapat na ipaliwanag sa kasuyo. Kailangang din manuyo kung kinakailangan. Lucky co­lor: Pink, lucky number: 3.