Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/11/19

374

HOROSCOPE

Bro. Bo Sanchez
Kaarawan: Hulyo 11, 1966
Naka-focus sila sa pamil­ya. Protective sa kanilang mga mahal sa buhay na siyang pinaghuhugutan niya ng lakas. Mabilis na magpalit ng mood ang mga lalaking Cancer. Madalas silang makitang malungkot pero sa isang iglap ay magiging masaya at palabiro na.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mas makabubuti para sa iyo ngayon ang umiwas muna sa grupo. Mahirap madamay sa isang bagay na wala kang kinalaman. May pagkakataon na sarili mo ang dapat mong unahin. Lucky color: Green, lucky number: 20.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Huwag mas­yadong bilib sa sarili. Manatiling nakatapak ang mga paa sa lupa. Kung ilalagay lamang sa balanse ang lahat, mas maiiwasang masaktan o madismaya kung makagawa ka man ng anumang pagkakamali. Lucky color: White, lucky number: 9.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kaila­ngan mong iparamdam ang pagmamahal. Mahirap mang­hula. Kung hindi man masalita, mas mabuting idaan sa gawa. Kung single, oras na para maging totoo sa iyong nararamdaman. Lucky color: Maroon, lucky number: 43.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang dapat masunod. Magbigay o magparaya lalo na sa mga nakababata. Ipakita ang buong suporta sa taong espesyal para sa iyo. Lucky color: Red, lucky number: 28.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Masyado kang sensitibo sa araw na ito. Gamitin ang utak sa isang mahalagang desisyon. Maaari kang mapasok sa isang gulo na mahihirapan kang kalasan. Iwasan ang pagsasalita sa harap ng mga taong hindi mo lubusang kilala. Lucky color: Orange, lucky number: 45.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Piliting maging positibo kahit na puno ng problema sa buhay. Ngumiti para gumaang ang pakiramdam. Buksan ang pintuan at bintana ng bahay para pumasok ang suwerte. Lucky color: Silver, lucky number: 45.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Me­ron kang goal at ito ang iprayoridad sa araw na ito. Kailangan mong maging flexible para hindi ka malagpasan ng mga oportunidad. Magmasid-masid sa paligid. Lucky color: Brown, lucky number: 54.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mas mahirap para sa iyo ngayon ang maging tapat sa iyong nararamdaman. Hindi malayong ito ang pagmulan ng isyu sa lovelife. Makatutulong kung lumayo muna pansamantala habang mainit pa ang isyu sa inyong dalawa. Lucky color: Violet, lucky number: 10.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Ilang indibidwal ang hindi totoo sa iyo. Ingat sa mga sikreto. Mabuting sarilinin muna ang mga kakaibang kuwento sa buhay. Hindi lahat ng nagpapakilalan kaibigan ay totoong kaibigan. Lucky color: Maroon, lucky number: 42.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Maraming potensyal na negosyo sa paligid. Isiping mabuti ang mga susunod na hakbang. Dapat umaksyon agad-agad. May pagkakataong kailangan mong maging mas matapang at mas mapangahas. Lucky color: Yellow, lucky number: 3.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung kumbinsido ka sa iyong nararamdaman, sabihin ito sa kinauukulan. Hindi makakatulong kung pa­tuloy na mananahimik. Ayusin ang pagsasalita para hindi maka-offend ng kausap. Lucky color: Green, lucky number: 7.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Tanggapin ang masaklap na kapalaran sa pag-ibig. Marami pang pagkakataon na darating sa iyo. ‘Wag mainip dahil marami pang darating. Umisip ng ibang bagay na maaaring pagkaabalahan kung naiinip. Lucky co­lor: Gold, lucky number: 23.