Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/12/19

0 281

Marco Alcaraz
Kaarawan: Hulyo 12, 1980
Nangingibabaw ang emosyon sa mga lala­king Caner lalo na kung tungkol sa lovelife. Mapagmahal at considerate sa damdamin ng iba. Mas madalas na­kabase ang kanilang desisyon sa kanilang nararamdaman. Marami sa kanila ang matalino at may mataas na puwesto sa lipunan.

Related Posts

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mas madaling magtrabaho kung magaang ang kalooban. Alisin ang mga galit. Walang idudulot na maganda sa kalusu­gan ang negative feelings. Labanan ito para sa sariling kabutihan. Lucky color: Green, lucky number: 30.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Isyung pampamilya ang magi­ging pokus ng araw na ito. May mga kailangang ayusin. Makakapaghintay ang aspeto ng career. Unahin ang pa­ngangailangan ng pamilya. Lucky co­lor: Brown, lucky number: 20.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Mas maraming maa-attract sa iyong kakaibang personalidad. Tama lang ang naging desisyon. Isa sa mga taong malapit sa iyong puso ang may magandang sopresa sa iyo. May tulong na darating mula sa mala­yong lugar. Lucky co­lor: O­range, lucky number: 40.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mas tataas pa ang iyong popularidad ngayon at sa mga susunod na araw. Hindi masamang tanggapin ang mga darating na imbitasyon. Sa mga naghahanap ng bagong love interest, may bagong makikilala. Lucky color: Silver, lucky number: 12.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mas maraming makakapansin sa iyong husay. Ituloy lang ang magandang simu­la. Makakatanggap din ng mga kinakailangang pagkilala bilang reward sa mga ipinakikita mong abi­lidad. Lucky color: Gray, lucky number: 19.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Mag-explore sa ibang lugar. Mas magiging bongga ang career sa ibayong dagat. Magda­han-dahan muna sa mga desisyong pangpinans­yal. Lucky color: Red, lucky number: 14.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Ilan sa mga taong malapit sa iyo ang magagamit mo sa iyong trabaho. Hindi masamang ikonsidera ang isang loan kung ang pera ay may tamang paggagamitan. Lucky color: Maroon, lucky number: 22.
SCORPIO (Oktub­re 23-Nobyembre 21) – Kailangan mo ng sapat na tulog at pahi­nga ngayon at sa mga susunod na araw. Iwasan muna ang pagpupuyat at maaari itong makaapek­to sa iyong pangkalaha­tang kalusugan. Ingat din sa pagkain. Lucky color: Gold, lucky number: 54.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Kung gusto mo ng pagbabago, umpisahan ito sa pisikal na postura. Bagong buhok, bagong porma. Mas tataas ang self confidence kung madadagdagan pa ang kaalaman. Lucky color: Blue, lucky number: 50.
CAPRICORN (Dis­yembre 22-Enero 19) – Bigyan ang sarili ng pagkakataon makapagbakasyon.Dumistansya muna sa mabigat na trabaho. Masyado nang pagod ang katawan. Unahain ang kapakanan at kalusugan. Lucky color: Maroon, lucky number: 3.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mas maaksyon ang araw na ito. Maraming kaganapan na ikakagulat mo. Kailangan mo ng energy para harapin ang mga susunod na pangyayari. Pili­ting maging mahinahon sa taong kausap. Lucky color: Red, lucky number: 17.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Nga­yon at sa mga susunod na araw, nasa aspeto ng pananalapi ang iyong dapat maging pokus. Hindi masamang maghanap ng mga bagong paraan para magkaroon ng dagdag kita. Ikonsidera ang bagong career. Lucky co­lor: Yellow, lucky number: 45.