Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/12/2018

272

Marco Alcaraz
(Kaarawan: Hulyo 12, 1983)
May paninindigan, pinag-iisipang mabuti ang isang bagay o sitwasyon bago magdisisyon, may mabu­ting loob at handang tumulong, flexible at mahusay makibagay sa lahat ng uri ng tao. Kapag may oportunidad, hindi pinapalagpas.

CANCER (Hunyo 22-Hul­yo 22) – Maraming masayang pangyayari ang darating! ‘Wag itong seryosohin dahil ang lahat ng ito’y panandalian lamang. Mag-invest ng time sa mga bagay na nananatili ng mahabang pana­hon – love, charity at family. Lucky number: 38, Lucky color: cream

LEO (Hul­yo 23-Agosto 22) – Maging palangiti upang ang suwerte ay lumapit. Huwag kontrahin ang takbo ng panahon. Mag-ingat sa mga taong nagmamagandang loob, darating ang araw, uutangan ka lang nila. Sa pag-ibig, ipagpatuloy ang pakikipag-relasyon sa ka­suyong Virgo. Lucky number: 15, Lucky color: maroon

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Iwasang sumama sa mga gimmick na may kaugnayan sa pagsusugal at iba pang mga bisyo. Huwag ma­ging pikon at patulan ang biro o kantiyaw ng mga kaibigan. Harapin ang darating na pagsubok. Malalampa­san agad iyan sa tulong ng panalangin. Lucky number: 15, Lucky color: yellow

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Makipagrelasyon lang sa isa. Mag-concentrate para tuloy-tuloy ang suwerte. Sa pinansyal, isang uri lang ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain ang posibleng magpayaman sa iyo. Lucky number: 21, Lucky color: brown

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – ‘Wag masya­dong magsaya para lumayo ang nakaambang panganib. Ituloy ang binabalak na nature adventure. Sa pag-ibig, mentras delikado, lalo namang sumasarap ang romansa. ‘Wag matakot na subukan ang isang negosyo na pagkakakitaan mo ng malaki. Lucky number: 30, Lucky color: gray

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Huwag pang­hinaan ng loob sa mga pagsubok na dumaan. Hanggat hindi ka yumayaman, pa­tuloy na magsikap dahil darating din ang tamang panahon para sa iyo. Sa pag-ibig, sa mga huling araw ay may masasarap na romansang lalasa­pin. Lucky number: 23, Lucky color: ruby red

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Huwag i-entertain ang nararamdamang lungkot! Sumali sa mga activities na panlipunan upang mawala ang iniindang problema. Sa pag-ibig, ‘wag pilitin ang kapartner kung ayaw niyang sundin ang iyong gusto. Lucky number: 12, Lucky color: le­mon green.

AQUARIUS (Ene­ro 20-Pebrero 18) – Laging ngumiti at ‘wag padadaig sa pinagdaanan kung ayaw mong tumanda agad. I-blow-out at pasayahin ang sarili sa darating na suweldo. Kumain ng palihim ng isang bagay na lusaw, malamig at matamis. Lucky number: 19, Lucky color: blue

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – ‘Wag kang mawalan ng gana sa kapartner na nagkakabilbil at lumalaki ang ti­yan. Hindi lang naman sex at ganda ang sangkap ng masarap na pagmamahalan. ‘Wag ding umasa sa kaanak at tatamad-tamad. Ipamalas ang iyong abilidad at ayusin ang sarili. Lucky number: 4, Lucky color: beige

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magiging mapagbigay sa iyo ngayon ang isang Libra na may lihim na pagnanasa sa iyo. Sa pinansyal, ‘wag munang gumastos, ha­yaan mong ang admirer mong Libra muna ang taya. Lucky number: 23, Lucky color: ivory cream

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – ‘Wag magmukmok dahil nabigo. Buma­ngon at gawin nang maaga ang importanteng aktibidad. Humi­ngi ng saklolo sa ka­suyong Sagittarius. Lucky number: 24, Lucky color: red

GEMINI­ (Hunyo 21- Hunyo 21) – Tuparin ang ipinangakong sa­lita sa minamahal. Sa pinansyal, dagdag na salapi ang matatanggap. Isang Scorpio ang magpapa-cute sa iyo. Lucky number: 15, Lucky color: orange