Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/13/19

311

Ni: Madam Viel

Gary David
Kaarawan: Hulyo 13, 1978
Kapag nagmahal ang Cancer man, ahasan ang pagiging isang dedicated lover.

Kaya niyang ibigay ang lahat ng atensyon para sa kanyang minamahal.

Abante Hiring – IT dep

Mistulang Prince Charming dahil sa pagiging sweet at adorable. Mahilig magsulat ng love letter kapag nanunuyo. Sa oras na maging kumpor­table sa relasyon, mas gugustuhin niyang manood ng Netflix kaysa maglambingan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Taglay mo ang sapat na lakas para mapasaya ang kasuyo. Ipursige ang isang balak. Maraming matututu­nan sa isang pangyayayri. Tiwala lamang sa sa­rili ang kailangan. Lucky color: Maroon, lucky number: 13.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Maraming ideya na umasagi sa isipan. Pero hirap kang magdesisyon. Kakailanganin ang payo ng kaibigan. May pilit pa ring humahadlang sa paligid. Ipakitang hindi ka agad madaling sumuko. Lucky co­lor: Peach, lucky number: 17.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kailangan nang mag-move on. Sadyang hindi para sa isa’t isa. Marami pang darating. Mas magiging masaya ka kung tatalikuran na ang mga nagpabigat sa buhay mo. Lucky color: Gray, lucky number: 45.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Maipapakita mo nag-mature ka na kung kaya mo nang tanggapin ang mga nagawa mong pagkakamali. Humingi ng sorry sa mga nasaktan. May pabuya sa pagiging mapagkumbaba. Lucky color: Violet, lucky number: 28.

Related Posts

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May mga pangakong mapapako. Huwag itong ikagalit. Sa halip unawain ang pagkukulang ng kasuyo. Mas kaila­ngan ngayon ng partner mo ang iyong pang-unawa at suporta. Lucky color: Blue, lucky number: 50.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Pag-aralan ang bawat hakbang. Masyadong nahahati ang iyong atensyon sa napakaraming problema. Mag-relax dahil mahirap nang maburyo dahil sa maraming iniisip. Lucky color: Violet, luckuy number: 35.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Posibleng maapektuhan ka dahil sa malakas na pressure. Ang pakikipag-usap sa isang malapit na kaibigan ay magpapabago ng iyong mood. Mara­ming puwedeng gawin para sumaya ang iyong maghapon. Lucky color: Orange, lucky number: 50.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Isang bagong kakilala ang magiging inspiras­yon. Buksan ang puso sa maraming posibilidad. Labanan ang nararamdamang insecurities. Kailangan mong bumalanse. Lucky color: White, lucky number 4.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Ang lahat ng pagtitiyaga ay may hatid na biyaya. Kontrolin lamang ang iyong emosyon at manatiling kalmado. Isang bagay ang maghahatid ng magandang ideya. Lucky color: Blue, lucky number: 40

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Makukuha mo na ang mga importanteng impormasyon na makatutulong para sa ipinupursige mong negosyo. Huwag muna itong ibahagi sa iba. Panatiling sikreto ang mga balak para hindi sumablay. Lucky color: Blue, lucky number: 12.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Iwasang maging masyadong defensive kapag nakakatanggap ng kritisismo. Maraming pangyayaring hindi mo inaasahan pero ito ang higit na magpapatatag sa iyo. Magtiwala sa isang kaibigan na tunay na nagmamalakasakit. Lucky color: Red, lucky number: 45.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May distraksyon sa paligid. Umiwas muna sa mga ne­gative na tao. Hindi lahat ay kaya mong ibigay. Magtira ng kaunti para sa sarili. Lucky color: Silver, lucky number: 5.