Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/14/19

322

HOROSCOPE
ni: Madam Viel

CONOR MCGREGOR
Kaarawan: Hulyo 14, 1988
Sila ang pinakaemosyonal sa lahat ng zodiac sign. Lagi silang apektado sa bawat nangyayari sa kanilang paligid. Dahil sa ugali na ito, mas gusto nilang magtago o lumayo. Pero sa kung makikilala mo sila nang lubos ay makikita ang isang tao na mabait at may mabuting kalooban.

Related Posts

ARIES (Marso 21-Abril 19) — Isang legal issue ang pagkakaabalahan sa araw na ito. Bagama’t mala­king kalituhan at pagkabalisa ang hatid nito, kaya mo itong lagpasan. Iwasan ma­ging emosyunal. Piliting tumawa para gumaang ang pakiramdam. Lucky color: Yellow, lucky number: 15.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) — Isang itinuturing mong lider o nakakataas ng posisyon sa iyo ang biglang aalis. Magdudulot ito ng gulo sa iyong paligid. Iwasan munang magbitaw ng mabigat na desisyon. Lucky color: Yellow, lucky number: 32.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) — Iwasang maging masyadong agresibo. Mahirap ang pabigla-biglang desisyon. Hindi na dapat patulan ang mga basher. Mas bigyang importansya ang mga taong mahalaga sa iyong buhay. Lucky color: Maroon, lucky number : 5.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) — Hindi ito ang paborableng araw para pumasok sa isang investment. Mahirap matanso. Iwasan din munang gumastos at maglabas ng pera. Mahirap nang maunahan ng kamalasan. Lucky color: Gray, lucky number: 45.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) — Iwasang kumontra lalo na sa mga taong mas nakakataas sa iyo. Mas mabuting sumunod para sa maayos na samahan. May kinalaman sa iyong trabaho ang matatanggap na sulat. Ipakita na isa kang team player. Lucky color: White, lucky number: 56.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –– Iwasan ang temptasyon kaya’t mas mabuting kumalas sa iyong mga kagrupo. Kailangan mo ang tulong ng iyong kapartner para sa mabilis na paglimot. Ang pagkakaroon ng tamang koneksyon ay importante para magtagumpay. Lucky color: Maroon, lucky number: 19.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) — Hawakan muna ang iyong mga baraha. Ikonsidera ang planong biyahe. Kailangan mo ngayon ang sariwang hangin at tahimik na paligid para makapag-isip. Ingatan lamang na makalagpas ang isang magandang pagkakataon. Lucky color: Pink, lucky number: 45.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) — May pagbabagong kailangang gawin at may kinalaman ito sa loob ng bahay at sa iyong pamilya. Panindigan ang mga sinabi. Isang tao na bahagi ng nakaraan ang biglang lilitaw. Makakaramdam ng kakaibang saya at kilig. Lucky color: Red, lucky number: 17.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) — Maaring magkaroon ng ilang isyu sa iyong lovelife. Dito masusubukan kung gaano na katatag ang inyong pagsasama. Iwasan lamang ang pagsasalita ng tapos dahil baka kainin mo lang ito kalaunan. Lucky color: Orange, lucky number: 12.
CAPRICORN (Disyembre 22-Ene­ro 19) — Kung merong nawala sa iyo, ‘wag magpanik. Sa bawat nagsasarang pinto, may nagbubukas na bintana ng bagong oportunidad. Kalma lamang at maaayos ang lahat. May hatid na suwerte ang isang personal na gamit. Lucky color: Violet, lucky number: 6.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) — ‘Wag balewalain ang mga senyales. Kung ayaw mo ng drama, pansamantalang lumayo sa mga kaibigan. Hindi maiiwasang maapektuhan ng mga kaganapan sa paligid. Mare-realize ang importansya ng isang tao o ng isang bagay kung ito’y wala na. Lucky color: Brown, lucky number: 45.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) — Kung may dapat kang iparating na mensahe, dumirekta sa kinauukulan. Iwasan ding magbigay ng impormasyon sa ibang tao. Makakagulo lamang sila sa iyong sitwasyon. Lucky color: Green, lucky number: 25.

Attachments area