Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/16/19

305

Melanie Marquez
Kaarawan: Hulyo 16, 1964

Madiplomasya at ayaw ng gulo. Madalas na ma­ging referee kapag may away dahil ayaw niya ng anumang komprontasyon. Kung hanap mo ay isang tunay na kaibi­gan, sila ang perfect na pagkatiwalaan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Pinapaboran sa araw na ito ang nabagong desis­yon. Nasa tamang direksyon kaya alisin ang pag-aalinlangan. Hindi ka mabibigo sa makukuhang resulta sa piniling career. Lucky co­lor: White, lucky number: 16.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung napapasobra na ang isang taong nakakataas sa iyo ng posisyon, iparamdam mo na hindi na tama ang kanyang ginagawa. Kung patuloy kang maduduwag, patuloy ka ring mahihirapan. Lucky color: Blue, lucky number: 23.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – ‘Wag basta maniwala sa mga naririnig. Bigyan ng panahon ang pakikinig sa paliwanag. May dapat kang malaman na magpapaluwag ng iyong kalooban. Lucky color: Brown, lucky number: 34.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Sa araw na ito, ikaw ang superstar sa loob ng bahay. Maging ang aspeto ng komunikasyon ay pinapaboran. Maging responsable lamang sa bawat sinasabi at ginagawa dahil maraming mga mata ang nakamasid sa iyo. Lucky color: Yellow, lucky number: 27.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mabi­gat ang pakiramdam. Hind gaanong maka­kilos dahil sa matinding kirot ng katawan. Huwag ipagwalang-bahala ang sakit. Magpatingin agad sa manggagamot. Lucky color: Maroon, lucky number: 48.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Magagawa mo nga­yon ang matagal nang gustong gawin. Marami kang puwedeng i-share kahit hindi materyal na bagay. Bigyan ng sapat na panahon ang pamil­ya at mga totoong kaibigan. Lucky color: Red, lucky number: 31.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mas malayang makakagalaw dahil sa libreng oras. Samantalahin ang pagkakataon para punta­han ang paboritong lugar. May isang taong nagmamahal sa iyo nang totoo at tapat. Lucky color: O­range, lucky number: 41.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – ‘Wag haya­ang mangibabaw ang emosyon kaysa nakikita mong katotohanan. Kung hawak mo ang lahat ng impormasyon, dito ibase ang opinyon. Alisin ang takot. Iwasang mangi­babaw ang personalan. Lucky color: Brown, lucky number: 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – May itinatagong feelings ang big­lang mauungkat. Maaa­ring maghatid ito ng ba­hagyang pagkailang. Alalahanin na lamang na mas mabuting ma­ging tapat. Mahirap pigilan ang damdaming nagpupumiglas. Lucky color: White, lucky number: 56.

CAPRICORN (Dis­yembre 22-Enero 19) – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang tama. Mare-realize mo na mas importante ang pagmamahal kaysa materyal na bagay. Iwasang gumastos sa mga hindi masyadong kailangang bagay. Lucky color: Yellow, lucky number: 30.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Nasa iyo ang karapatan para mag-enjoy. Labanan ang sobrang kalungkutan. Magpahinga at maglibang para ganap na makapag-recharge. Makakatulong din kung makikipagkuwentuhan sa mga kaibigan. Lucky color: Gray, lucky number: 8.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May pakiramdam ka na tila lahat ay nagsasaya ma­liban sa iyo. Kung may nagawa kang pagkakamali, lunukin muna ang pride at humingi ng pang-una­wa. Mas masarap humi­nga kung magaang ang kalooban. Lucky color: Green, lucky number: 20.