Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/17/19

405

Johnny Abarrientos
Kaarawan: Hulyo 17, 1970
Kalmado at hindi mahirap kausap. Taglay ng mga lalaking Cancer ang pagiging isang homebody. Mas gusto nilang kasama ang pamilya kaysa mga kaibigan. Pinapatunayan nito na pamilya ang first priority nila kaysa anumang bagay.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Nga­yon mo higit mapapatunayan na mara­ming ang tunay na nagmamalasakit sa iyo. Iparamdam mo rin sa kanila na kinikilala mo ang kanilang pagdamay. Humi­nga nang malalim para gumaan ang pakiramdam. Lucky color: Red, lucky number: 43.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Sikaping ‘wag mawala ang interes mo sa ginagawa. May nararamdamang panlalamig, kailangan mo lamang maghanap ng dagdag inspirasyon. Magpokus sa mga benepisyong idudulot nito. Lucky color: Blue, lucky number: 18.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Malaki ang nagagawa ng pagpuri at encouragement. ‘Wag itong ipagdamot. Kila­lanin ang magagandang nagawa ng taong kaharap mo kahit hindi mo siya personal na gusto. Pairalin ang pagiging propesyunal lalo na sa trabaho. Lucky color: Violet, lucky number: 23.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – ‘Wag agad manghusga kung isang panig pa lamang o hindi pa kumpleto ang iyong mga naririnig at nakikita. Kailangan mong mag-usisa, tanungin ang lahat ng mga sangkot bago ka magsalita. Lucky color: Yellow, lucky number: 41.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kailangan mong maging mas realistic pagdating sa mga pangarap mo. Makakatulong sa iyo ang isang matapang na kaibigan para maumpisahan ang isang mahirap na hakbang. Maaring ito na ang hinihintay mong hamon. Lucky color: Maroon, lucky number: 40.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Alam mo kung ano ang iyong limitasyon. Posibleng kailangan mo nang palayain ang sarili mo sa restriksyong ito. Ito ang nagi­ging hadlang para malasap ang tunay na ligaya na hinahanap mo. Lucky color: Blue, lucky number: 50.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Huwag magpaapekto sa nararamdamang pagdududa. Maaring ang pinaniniwalaan mo ay hindi buong katotohanan. Buksan ang isipan sa mga bagay na possible kahit mahirap itong tanggapin. Lucky color: Gray, lucky number: 33.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Pairalin ang malalim na pang-unawa. Mas marami kang maa-achieve kung titingin ka sa bigger picture. May mga prosesong hindi mo naman kaila­ngang pakatutukan. Hayaan ang panahon ang gumawa ng hakbang para sa iyo. Lucky color: Green, lucky number: 7.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Isang plano ang pinasok na ng komplikasyon. Doblehin ang pag-ii­ngat. Sa kabila nito, magagawa pang sagipin ang sitwasyon. ‘Wag mangiming humingi ng tulong. Lucky color: White, lucky number: 50.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mas magiging malinaw ngayon ang mga dapat mong gawin at ang mga hindi mo gustong gawin. Maging honest sa sarili. Aminin ang maling nagawa kung meron man. Manatiling positibo. Lucky color: Violet, lucky number: 5.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Walang higit na nakakakilala sa iyo kundi ang sarili mo. Pagdating naman sa kakayahan, hindi mo masusubukan kung kaya mo kung mananatili kang nauuna­han ng takot. Lucky color: Orange, lucky number: 45.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Hindi masamang manindigan at ipaglaban ang iyong mga pananaw. Pero sa pagkakataong ito, paborable rin na pakinggan at pagbigyan ang ideya ng iba. Lucky co­lor: Red, lucky number: 50.