Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/20/19

331

ARIES (Mars­o 21-Abril 19) – Ang mga naunsyaming plano na may kinalaman sa pa­milya ay muling maisusulong. Isang indibidwal ang may gustong umalalay sa iyo. ‘Wag nang pairalin ang pride at tanggapin ang kanyang alok. Lucky color: Gray, lucky number: 16.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Aksyon ang kailangan pagdating sa lovelife. Hindi na puwede ang magbakasakali. Hindi makukuha ang target mo kung maghihintay lamang sa isang tabi. Dagdag na effort ang kailangan nga­yon. Lucky color: White, lucky number: 38.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Marami ang humahanga sa iyong mga ideya pero mas marami ang makukumbinsi kung magagawan mo ng aksiyon ang mga ideyang ito. Ang plano ay hindi magiging produktibo kung hindi ka totoo sa iyong sarili. Lucky color: Yellow, lucky number: 45.

CANCER (Huny­o 21-Hulyo 22) – Ang mga ‘di pagkakaunawaan sa nagdaang araw ay maghihilom na. Kalimutan na ang pride at ikonsidera ang espesyal na okasyon. Bigyan ng pagkakataon ang isang taong humihingi ng iyong kapatawaran. Lucky color: Brown, lucky number: 54.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ang tagumpay at ang romansa ay magkakonekta ngayon. Malaki ang naging papel ng iyong partner sa iyong kasiyahan.
Ibahagi sa kanya ang magandang balita. Lucky color: Red, lucky number: 17.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Ikaw ang nagdadala at nagpapatatag sa iyong relasyon. Sa mga single, may mutual attraction sa iyo ang isang kasama­han. May exciting news mula sa malayo. Magtipid para sa planong trip. Lucky co­lor: Violet, lucky number: 16.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Isang offer ang ilalapit sa iyo. Kung wrong timing mas mabuting ikunsidera sa ibang araw. Ikaw ang mas nakakaalam kung ano ang mabuti para sa iyo at sa pamilya. Lucky color: Orange, lucky number:33.

Related Posts

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) –– Ikaw ay isang maga­ling na lider kaya ‘wag bigyang-pansin ang nararamdaman mong insecurities. May tamang oras para sa bawat bagay. Ga­wing positibo ang isang bagay na importante para sa iyo. Lucky color: Maroon, lucky number: 7.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Hindi nakakatulong kung patuloy kang maglilhim sa karelasyon. May pagkakataong kailangan mo ring magpahiwatig at magparamdam. Ikaw na ang mauna para maiba naman. Lucky color: Green, lucky number: 18.

CAPRICORN (Dis­yembre 22-Enero 19) – Loyalty ang importanteng susi sa araw na ito. Sa lovelife, maraming tukso sa paligid pero mas dapat pa ring piliin ang isang pagmamahal na sinubok na ng panahon. Lucky co­lor: Blue, lucky number: 27.

AQUARIUS (Ener­o 20-Pebrero 18) – May drama sa araw na ito na maaring konektado sa pera. Maaring magkaroon ng tension. Huwag patulan ang mg naririnig. Nasa iyo ang control para hindi lumaki ang away sa loob ng pamilya. Lucky color: Red, lucky number:1

PISCES (Pebrer­o 19-Marso 20) – Punumpuno ka ng ideya at magagamit mo ito sa hinaharap, May mga bagay na dapat palampasin kung ayaw mong masaktan. Hindi dapat bigyang puwang ang hiya. Kailangan mo munang magtiwala sa sarili bago asahan ang tiwala ng iba. Lucky color: Peach, lucky number: 20.