Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/21/19

347

Paco Arespacochaga

Kaarawan: Hulyo 21, 1971
Madalas na nakatago sa kanyang shell at lalabas lamang kapag handa na itong humarap sa mga tao. Kung wala sa mood na harapin ang isang sitwasyon, wala siyang gagawin para dito. Sadyang may sari­li lang silang mundo para protektahan ang kanilang emosyon.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mas mababasa mo ngayon ang mga taong nasa paligid mo. Kailangan lamang na magpakatotoo ka sa sarili para ma-realize mo kung ano ang tunay nilang intensyon. Importante ring magpakita ng loyalty. Lucky color: Maroon, lucky number: 12.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung ano ang mga hinahanap mo sa iyong partner, ganun din ang dapat mong ibigay para sa mas matagumpay na relasyon. Kung naghahanap pa lamang, isang bagong kakil­ala ang ilalapit ng mga kaibigan. Lucky color: Blue, lucky number: 41.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Mas handa ka ngayon na magdesisyon sa mga isyung may kinalaman sa pamilya at partnership. May mga bagong kakilala ang mai-impress sa iyo sa unang paghaharap­ pa lamang. Magagamit mo ang mga koneksyong ito sa takdang panahon. Lucky color: Red, lucky number: 34.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kontrolin ang bugso ng emosyon. Siguraduhin munang tama ang hawak mong impormasyon bago mag-react. Sa iyong lovelife, mas makakasundo mo ang iyong partner at lalo pang lalalim ang koneksyon sa isa’t isa. Lucky color: Yellow, lucky number: 25.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Isang kasiyahan ang magbubukas ng oportunidad sa mga single para magkaroon ng longtime commitment. Maraming pagbabago ang idudulot nito sa buhay mo. Sa mga may partner na, mas makabubuting maaga pang umiwas sa mga temptasyon. Lucky color: White, lucky number: 54.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May malaking pagbabago sa takbo ng iyong lovelife. Kung single ka pa, posibleng mas malalim na commitment ang kahantungan ng mga susunod na araw. Ang mga may partner na ay may posibilidad na magbiyahe sa mas malayong lugar. Lucky color: Brown, lucky number: 43.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mas lulutang ngayon ang iyong artistic side. Maari rin magkaroon ng dagdag na kita. Ilang mga kaibigan ang magiging daan para mapadali para sa iyo ang hinahanap mong tagumpay. Lucky color: Blue, lucky number: 30.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mas madali ngayon ang panalo. Itodo na ang effort sa lahat ng naumpisahan mong proyekto at makikita mo ang mga positibong resulta sa mga susunod na araw. Anumang naisin mo ay madali lamang ibigay sa iyo. Lucky color: Yellow, lucky number: 11.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Malinaw sa iyo ngayon kung ano ang gusto mo pagdating sa iyong lovelife. Makatutulong din kung tuluyan mo nang itatapon ang mga bagaheng dala pa ng nagdaan. Isang Taurus ang maaaring magkaroon ng espesyal na koneksyon sa iyo sa mga darating na araw. Lucky color: Brown, lucky number: 33.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero­ 19) – Isang indibidwal ang sobrang naiintriga sa iyo. Ang dating pisikal na atraksyon ay may potensyal na maging mas makatotohanan. Ang mga taong da­ting kumokontra ay nakikiayon na sa iyong mga plano. Lucky color: Yellow, lucky number: 8.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Aminin na kailangan mong magkontrol pagdating sa iyong mga gastusin. Gawing makatotohanan ang pagba-budget nang maiwasang magipit sa nalalapit na hinaharap. Sa lovelife, kailangang pareho kayong mag-effort ng iyong mahal para mas ma­ging matatag ang relasyon. Lucky color: Red, lucky number: 50.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – isang tao lamang ang dapat mong kumbinsihin kung kailangan mo nang mag-level up sa isang bahagi ng buhay mo at ito ay walang iba kundi sarili mo. Kaya mo itong gawin ngayon kaya ‘wag nang patagalin ang pag-iisip. Sa aspeto ng lovelife, kayang manaig ng relasyon kahit magkalayo o kailangang maglayo. Lucky color: Gray, lucky number: 4.