Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/21/2018

410

Paco Arespacochaga
Kaarawan: July 21, 1971

Kung kailangang tapusin ang isang trabaho, asahan na ang mabilis na pagtulong ng mga Cancer. At kahit mag-isa kaya nilang magtrabaho. Sila ay mga loyal sa kanilang amo o employer. Mas aangat ang kanilang career bilang nurse, politician, writer at mga interior decorator.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Lalabas ang itinatagong talento. Gawin sa next level ang matagal ng plano. Pagsamahin ang dedikasyon at passion sa mga gustong gawin. Lucky color: Brown, lucky number: 40.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Gustong mo muna manahimik lalo na tungkol sa pag-ibig at romansa. Sundin ang sinasabi ng puso. Magdahan-dahan sa kinasadlakan. Huwag pagdudahan ang sarili dahil ikaw ang dapat na masunod. Lucky color: Blue, lucky number: 18.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Mababawi ang mga nawalang bagay. Kalmahin ang emosyon. Makipag-usap sa mga tao na kapupulutan ng aral at kaalaman. Sundin ang payo ang mga tao na may katulad ng iyong problema. Lucky color: Pink, lucky number: 1.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Ma­ging mapili sa taong pagsasabihan ng mga sikreto. Mas mababa ang tsansa na magkamali kapag kinontrol ang pagsasalita. Tignan sa mata ang taong kausap sa araw na ito. Lucky color: White, lucky number: 50.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ibahin ang approach sa taong mainit ang ulo. Kailangang ang malawak na pang-unawa para hindi na uma­bot sa gulo ang nangyari. Tikayin na sapat ang gamit para sa bagong trabaho. Lucky color: Maroon, lucky number: 17.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –Bawasan ang sobrang pag-iisip. Matulog sa tamang oras para hindi sumakit ang ulo. Huwag patulan ang patutsada na hindi naman para sa iyo. Maging patas sa labanan. Lucky color: Gray, lucky number: 28.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Handa ka na ba sa totoong commitment? Kung may duda pa sa sarili, humingi pa uli ng time at space para makapag-isip. Mas kaila­ngan mo ngayon ang payo ng pamilya at malalapit na kaibigan. Lucky color: Silver, lucky number: 17.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Huwag hayaang mawala ang isang bagay na importante sa iyo. Maglibang kung nalulungkot. Lilipas lang lahat ng mga dinadala sa puso at isip. Lucky color: Violet, lucky number: 33.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May tensyon sa loob ng bahay. Huwag kalimutan ang ipinangakong responsibilidad. Balasenhin ang trabaho at lovelife. Lucky color: Brown, lucky number: 41.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mararamdaman ang malakas na pressure. Bigyan ng limitasyon ang pagtulong para hindi ka maabuso. Bigyan ng oras ang mga mahal sa buhay na matagal nang hindi nakikita o nakakausap. Lucky color: Orange, lucky number: 40.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –Mas magiging intense ang sitwasyon sa love at romance. Kailangan mong mamili at pangatawanan ang desisyon. Ngayon ang tamang oras para harapin ang desisyon na gagawin. Lucky color: Green, lucky number: 17.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Napapaligiran ng intriga at misteryo. Pag-aralan ang kilos ng taong laging kasama. May pahiwatig ito na ikaw na lang ang makakaunawa. Tala­san ang pakiramdam. Lucky color: Yellow, lucky number: 3