Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/22/19

466

Dulce

Kaarawan: Hulyo 22, 1961
Karamihan sa mga Cancer woman ay may motherly instinct. Ito ang katangian na natural sa kanila. Madali silang masaktan dahil ibi­nibigay nila ang lahat-lahat ng pagmamahal nang hindi umaasa ng anumang kapalit.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ngayon at sa mga darating na araw, makukumbinsi ang sarili na hindi nabibili ang kaligayahan. Posibleng may kinalaman ito sa takbo ng iyong lovelife. Huwag mawalan ng pag-asa dahil darating din ang suwerte sa pag-ibig. Lucky color: Blue, lucky number: 11.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Isang pangyayari ang makakasira ng momentum mo pero ‘wag mangamba dahil pansamantala lamang ito. Muli kang makakabalik sa dati mong posisyon. Charge to experience na lamang anuman ang nangyaring aberya dahil makakabawi ka agad. Lucky color: Orange, lucky number: 43.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ilang tao ang hindi magiging masaya sa mga gagawin mo ngayong araw na ito. Kung sinasadya mo man ito o hindi ay hindi na mahalaga. Mas importanteng maipakita mo sa kanila na hindi ka nila puwedeng balewalain at dedmahin. Lucky color: Green, lucky number:25.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Maaaring mapasok ng tensyon ang ilang transaksyon. Dala lamang ito ng kaabalahang dulot ng nalalapit na Pasko pero marami kang maiisip na paraan para masolusyunan ito. Kalma muna. Lucky color: Violet, lucky number:16.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Lahat ay magagawa mo. Anumang hamon ay kakayanin mong malagpasan at wala sa bokabularyo mo ang agarang pagsurender. Maaaring masalimuot ang mapasukan mong sitwasyon pero mapapatuna­yan mong nag-eenjoy ka sa pagiging competitive sa buhay. Lucky color: Gray, lucky number: 41.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May malaking challenge sa araw na ito. Iwasang magpakita ng anumang negatibong reaksyon na magiging daan lamang para ikaw ang lumabas na masama sa paningin ng iba. Ingat sa kinikilos. Lucky color: Yellow, lucky number:9.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Sa araw na ito, mas mabuti nang maging honest na hindi mo alam ang isang isyu kesa magdunung-dunungan. Mas hahangaan pa ang pagiging tapat kaysa maging mapagpanggap. Lucky color: Green, lucky number:40.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mataas ngayon ang kumpiyansa mo sa sarili at nakikita ito ng mga tao sa paligid mo. May oportu­nidad din sa bagong romansa para sa mga naghahanap pa lamang ng mamahalin. May isang hindi maka-get over sa lakas ng karisma mo. Lucky color: White, lucky number: 10.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Sa araw na ito, paborable naman sa iyo ang tumulong at kailangang lubus-lubusin na ang pag-alalay na ibibigay mo. Mas higit na magpapasaya sa iyo ang pagpapasaya sa ibang tao. Lucky color: Orange, lucky number: 44.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Unahin muna ang sarili mo ngayon. Maaaring isipin ng ibang tao na nagiging makasarili at ma­damot ka pero alalahaning hindi matututo ang iba kung lagi mo na lamang tutulungan. Lucky color: Brown, lucky number: 40.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Hindi ngayon ang araw para mangarap. Ngayon ang implementasyon ng mga matagal mo nang panga­rap. ‘Wag palagpasin ang magandang oportunidad. Lucky color: Pink, lucky number: 50.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Gawing inspirasyon ang tagumpay ng mga tao sa harapan mo. Hindi puwedeng hanggang paghanga ka na lamang sa kanila, dapat ay ikaw naman ang magpakitang gilas at magpahanga sa kanila. ‘Wag makuntento sa puwede na, humirit ng mas higit pa. Lucky color: Black, lucky number: 22.