Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/23/19

473

Apolinario Mabini

Kaarawan: Hulyo 23, 1864
Mapagmahal at masayahin ang mga lalaking Leo. Sila ang nagbibigay ng saya sa isang grupo o usapan. Tapat at may pagka-generous. Kabilang sa kanilang negative traits ang pagiging mayabang, demanding, tamad at pagiging matigas ang ulo.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Nag-aalala na ang ilang kaibigan sa iyong pananahimik. Hindi masamang ibahagi sa kanila ang anumang gumugulo sa isip mo. Makatutulong ito para mabawasan ang nararamdamang bigat sa iyong kalooban. Lucky color: Orange, lucky number: 44

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Pabago-bago ang iyong mood sa araw na ito. Sa halip na mag-concentrate sa lungkot, magpokus ka sa mga bagay na dapat mong ipagsaya. Hindi makaka­tulong ang anumang drama. Tulungan ang sarili na malabanan ang ma­tinding lungkot. Lucky color: White, lucky number:21.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ma­ging mas organisado. Mahirap magtrabaho kung ang puwesto mo ay tila nasa gitna ng kaguluhan. Ikaw lang ang tanging makakalutas ng iyong dinadalang problema.Lucky color: Green, lucky number: 25.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Ang isang mabuting li­der ay nagtatagal sa posisyon kung ikinukonsidera nila ang mga taong nasa paligid. Hindi mo kayang gawin lahat kung ikaw lang ang kikilos. Ma­ging sensitibo sa panga­ngailangan ng iyong mga tagasunod. Lucky color: Yellow, lucky number: 16.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ipa­kita sa mga tao sa paligid mo ang iyong positibong attitude. Mas magtitiwala sila sa mga ginagawa mo kung ikaw mismo ay kumpiyansa sa iyong kakayahan. Lumayo sa mga negatibo na makakasira sa diskarte mo. Lucky color: Silver, lucky number: 41.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Lunukin muna ang pride. Kailangan mong magpa­tulong sa isang taong nakasaamaan ng loob. Huwag nang patagalin ang paghingi ng paumanhin kung kinakailangan itong gawin. Lucky color: Gold, lucky number: 53.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Magtiwala sa iyong nara­ramdaman bago magbaba ng desisyon. Hi­git mong alam ang nangyayari kaysa iyong mga kaibigan. Pansinin ang ikinikilos ng isang kasamahan. Lucky color: Yellow, lucky number: 33.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Hindi mareresolba ang isang problema kung lagi mo itong ta­talikuran. Resolbahin ito habang maaga, magpatulong sa ibang tao kung hindi mo kaya. Dapat na maalis ang mga bagay na nagpapahirap sa iyo. Lucky color: Maroon, lucky number: 22.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Hindi madali para sa iyo ang magpakita ng emosyon. May isang malapit sa iyo ang mapapalayo sa iyong kalooban. Timba­ngin ang pros and cons ng mga gagawing aksyon. Lucky color: Red, lucky number: 28.

CAPRICORN (Dis­yembre 22-Enero 19) – Bagama’t wala kang ideya, alalahanin na lang ang kapakanan ng mas marami. Hindi lahat ng totoo ay makikita mo sa gawa. Talasan ang pakiramdam para anap na makilkala ang mga bagong kasama­han. Lucky color:Maroon, lucky number: 6.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mas paborable para sa iyo ang makinig muna. Mahirap nang magkamali dahil sa maling akala. Ayusin ang mga naiwang gusot bago pa tuluyang masira ang relasyon. Lucky color: Gold, lucky number: 42.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mahirap para sa iyo ang maghintay. Subalit ito ang dapat gawin sa kasalukuyan. Hindi puwedeng madaliin ang mga pangyayari. Dagdagan pa ang pasensya para sa ganap na katahimikan ng puso. Lucky color: Gray, lucky number: 49.