Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/23/2018

254

Apolinario Mabini
(Kaarawan: Hulyo 23, 1864)

Nasa impluwensya ng Sun, ang lalaking Leo ay outgoing, confident at energetic. Ambisyoso at kapag may ginusto, gagawin niya ang lahat para maabot o makuha ito. Determinadong makuha ang bagay na inaasam sa buhay. Loyal na kaibigan at kagalang-galang.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May makakalimutan na malaking okasyon. Humingi­ ng sorry sa taong nasaktan. Sundin ang sarilin­g mga kondisyon at panuntunan. Kahit naiiba, hu­wag magpaapekto sa mga naririnig. Lucky color: Blue, lucky number: 11.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mas focu­s ngayon sa ginagawa. Panindigan ang mga sinabi. May argumento pero mas mabuting huwa­g na itong palakihin. Hayaang humupa ang tensio­n bago magsalita. Lucky color: Gold, lucky number: 33.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Gawin ang naiwang mga trabaho. Ipakita ang pagigin­g propesyunal. May isang espesyal na tao na gustong lumapit. Huwag pigilin ang sarili sa gustong sabihin at gawin. Lucky color: Silver, lucky number: 20.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May gustong patunayan sa sarili. Ingat sa pabigla-biglang kilos. Huwag munang husgahan ang kaibigang naliligaw. Mas kailangan nito ng iyong payo at gabay. Lucky color: Violet, lucky number: 19.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May pumipigil sa iyo na isang puwersa na hindi mo ma­intindihan. Sa kalaunan, magpapasalamat ka at hindi ka tumuloy sa pupuntahan. Paalala ito na maghinay-hinay sa mga ginagawa at iniisip.Lucky color: Gray, lucky number: 29.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Ma­ra­ming gustong sabihin at gawin dahil sa sobr­ang pagkainip. Ikaw na ang maunang magsalita. Marami ang makikinig sa iyong sasabihin. Lucky color: Brown, lucky number: 5.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –Maging reyalistik sa pagpaplano. Tiyaking may plan B sakaling hindi umubra ang unang plano. Siguraduhing may pagkukunan sa sandaling mangailangan ka ng malaking halaga. Lucky color: Orange, lucky number: 30.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Aktibo ang puso. Ikaw ang in charge sa relasyo­n kaya’t mas dapat na ikaw ang masunod. Tignan sa ibang perspective ang sitwasyon­. Huwag agad gumawa ng scenario na hindi pa nangyayari. Lucky color: Red, lucky number: 15.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) –Maging praktikal sa gagawing desis­yon. Ipakita ang taglay na maturity sa pag­hawak ng relasyon. Magtipid sa mga gastusin para hindi kapusin. Lucky color: White, lucky number: 50.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Lalabas ang pagiging sensitive. Marami kang pangangailangan na hindi mo nakakamit. Kung kailangan mong mag-isip, magsabi lang sa kasuy­o para maiwasan ang away sa relasyon. Lucky color: Green, lucky number: 32.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Pairalin ang puso kaysa sa isip. Huwag magalit sa pagbabagong magaganap sa relasyon. Humanda sa isang gabi na puno ng pag-ibig. Lucky color: Yellow, lucky number: 27.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Una­hin ang sariling kapakanan. Hayaan munang mag-isa ang taong naguguluhan. Mas magi­ging malinaw ang lahat sa paggising sa umaga. Lucky color: Violet, lucky number: 8.