Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/24/2018

546

Jennifer Lopez
Kaarawan: Hulyo 24, 1969
Mapagmahal at masayahin. Nagsisilbi silang liwanag sa mga tao sa kanilang paligid dahil sa makulay nilang personalidad. Kagalang-galang, playful, ambisyoso at tapat. Sa negatibo nilang katangian, kilala ang mga Leo sa pagi­ging mayabang, demanding, maikli ang pasensya, tamad at mainitin ang ulo.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Makakaram­dam ng pagdududa at pagkabalisa sa araw na ito. Alamin ang pinanggalingan nang pagka­balisa. Sa halip na matakot sa malayo pang hinaharap, dagdagan pa ang pagsisikap. Piliting mag-isip ng positibo. Lucky color: Green, lucky number: 22.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Isang impormasyon na ibibigay ng isang malapit na kaibigan ang magagamit para sa isusulong na pagbabago. Huwag munang magpaapekto sa mga distraksyon. Matutong magkakumbaba. Lucky color: White, lucky number: 52.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Isang mahal sa buhay o kaya ay isang malapit na kaibigan ang may ibabahaging sikreto sa araw na ito. Maging matalino sa pagpapasya at iwasang maging mapanghusga. Iwasang kumampi para walang makasamaan ng loob. Lucky color: Red, lucky number: 11.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Posibleng may magbalik na isang taong matagal mo nang hindi nakikita at nakakausap. Magiging daan ito para muling magkalapit. Isiping mabuti ang susuunging sitwasyon kung ipipilit ang isang maling relasyon. Lucky color: Green, lucky number: 40.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mas secure ngayon ang iyong lovelife, career at maging ang aspetong pinansyal. Alisin ang anumang negatibong emosyon. Mas mag-focus sa magagandang nangyayari sa iyong buhay. Lucky color: Gray, lucky number: 10.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Isang tao na nasa malayong lugar ang magpahatid ng mensahe. Magpapasaya ito sa iyo sa buong maghapon. Posibleng magising muli ang isang dating atraksyon. Huwag nang kontrahin ang anumang nararamdaman. Lucky color: Blue, lucky number: 6.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Bago sumabak sa isang malaking gastusin, isipin munang mabuti kung kailangan mo talaga ito. Mas makabubuting kontrolin ang paggastos upang may madukot sa mas mahahalagang pagkakataon. Huwag pangunahan ang mga bagay na hindi pa nangyayari. Lucky color: Violet, lucky number: 47.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May bagong indibidwal na papasok sa buhay mo. Posibleng magbukas ito ng bagong romansa kung iyong pagbibigyan. Magdudulot naman ito ng sakit ng ulo kung meron ka nang ibang commitment. Lucky color: White, lucky number: 9

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Positibo ang nangyayari sa iyo nga­yon at may karapatan kang mag-celebrate o magsaya. May pag-i-invest na dapat ikonsidera. Magseryoso na sa relasyon. Lucky color: Red, lucky number: 37.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Paborable ang araw na ito para sa usapin ng negosyo. Mas magiging matatag ang pagsasama matapos ang pagsubok. Maging honest. Sabihin ang mga sama ng loob sa kasuyo. Lucky color: Gray, lucky number: 5.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Huwag masyadong pagurin ang sarili. Hayaan na ibang tao ang magsalita sa taglay na galing at talino.Tanggapin ang nangyari na para maka-move on ka. Lucky color: Brown, lucky number: 26.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Malakas ang atraksyon sa isang tao. Dagdag-inspirasyon ang mga paramdam nito. Itigil na ang pagsasalita ng mga bagay na walang kabuluhan. Lucky color: Violet, lucky number: 33.