Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/25/2018

1,208

Sarah Geronimo
Kaarawan: Hulyo 25, 1988

Mababait ang mga babaeng Leo. Determinado sila kapag nagmahal kaya’t gusto rin nilang suklian din ito ng loyalty at pagiging tapat. Gusto nila na sumikat at maki­lala sa larangan na kanilang ginagalawan para sila ay hangaan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Walang ibang puwedeng maglinis ng kalat mo kundi ikaw. Maging responsable sa iyong kilos o ak­syon. Good day para maglaba at maglinis. Gagaang ang pakiramdam kapag malinis ang paligid. Lucky color: Green, lucky number: 30.

Abante Hiring – IT dep

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Naaayon para sa iyo ang takbo ng mga pangyayari. Maging confident sa pini­ling desisyon. Practice what you preach. Mawawala ang respeto sa iyo kapag iba ang ginagawa mo sa sinasabi mo. Lucky color: Maroon, lucky number: 11.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Tuparin ang mga pangakong binitawan. Maging masipag sa pagbibigay ng payo. Maraming matatapos na trabaho dahil sa positibong mindset. Lucky color: Yellow, lucky number: 30.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Huwag mawalan ng pag-asa kung nabigo sa araw na ito. Maraming nakaharang sa daraanan, doblehin ang pag-iingat. Mas mabuting mag-iba ng ruta sa pag-uwi. Lucky color: Red, lucky number: 10.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mag-focus sa anumang ginagawa sa kasalukuyan. Mag-ipon. Huwag ubusin sa isang iglap ang perang pinaghirapan. Lucky color: Gray, lucky number: 12.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Magiging maayos at tahimik ang buong araw. Gamitin ang lakas o ­energy para mas maraming magawa. ­Huwag magpaapekto sa problema ng ibang tao. Lucky color: Peach, lucky number: 39.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May darating na bagong project. Talasan ang pakiramdam dahil may kumikilos sa iyong likuran. Kritikal ang araw na ito para sa kapanatagan ng puso at isipan. Mag-relax. Lucky color: Silver, lucky number: 15.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Harapin ang katotohanan. Isa sa pangarap ang magkakaroon ng katuparan. Gawin ang ibinigay na trabaho kahit na pagod at wala sa mood. Itigil ang mga imbento palusot para lang ­hindi mautusan. Lucky color: Brown, lucky number: 21.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Huwag sayangin ang oras sa walang kuwentang bagay. Mag-focus sa kasalukuyan. Hindi malulutas ang problema kung lagi itong tataka­san. Lucky color: Blue, lucky number: 44.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Isipin ang magagandang ­nakaraan. Maraming dahilan para tumawa o ngumiti. Maraming pupuri sa iyo kung gugustuhin. Maging mindful sa mga taong hindi pa gaanong kilala. Ingat sa pagsasalita. Lucky color: Silver, lucky number: 22.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Maging malambing. Alamin kung ano ang kulang sa relasyon at dito ka mag-focus. Maging totoo sa sasabihin. Itigil na ang pagsisinungaling para sa ­katahimikan ng pagsasama. Lucky color: White, lucky number: 51.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Puno ng emosyon ang araw na ito. Hindi pa stable ang nararamdaman mo kaya parang isip-bata ang mga pana­naw. I-­analyze ang bawat pangyayari para maki­ta mo ang totoong picture. Iwasan munang mag-react hangga’t maaari. Lucky color: Orange, lucky number: 41.