Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/27/2018

336

Alex Rodriguez

Kaarawan: Hulyo 27, 1975

Hindi mahirap mahalin ang mga lalaking Leo dahil sila ay magi­liw, masayahin at magaling­ makisama. Masarap kasama sa mga lakaran­ dahil walang ere at puno ng good vibes. Kagalang-galang at malakas ang personalidad kaya’t lapitin ng mga babae.

Abante Hiring – IT dep

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May hindi inaasahan na magaganap sa araw na ito. Maiisip na mahalaga ang bawat detalye ng natanggap na impormasyon. May matutunan na magandang aral. Pakinggan ang opinion ng iba. Lucky color: Maroon, lucky number: 16.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Huwag makialam sa hindi mo problema. Maghintay ng imbitasyon, huwag agad sumugod sa okasyon kung hindi ka imbitado. Sarilinin muna ang kritikal na ideya. Huwag magpakontrol sa ibang tao. Lucky color: Gray, lucky number: 4.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ihanda ang sarili sa mga kontrang opinyon. Makipagkasundo para sa maa­yos na takbo ng relasyon. Lucky color: Brown, lucky number: 44.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May malaking hamon sa kaisipan. Salaing­ mabuti ang mga impormasyon­ na dumarating. Mabilis ang magiging takbo ng pangyayari. Magpakumbaba para hindi na lumala ang tensiyon. Lucky color: Yellow, lucky number: 20.

Related Posts

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May hindi inaasahang oportunidad na parating.­ Sumakay ng barko o tren at hayaang dalhin ka sa isang lugar. Kung walang rason para magbiyahe, ngayon ang tamang oras para planuhin ang bakasyon. Lucky color: Red, lucky number: 12.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Maraming mami-miss kung hindi nakikinig sa nagsasalita. Huwag basta pumayag kung hindi sigurado sa pinapagawa sa iyo. Rumespeto sa opinyon ng iba. Lucky color: Silver, lucky number: 47.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Ilahad ang nasa isip. I-share sa iba ang magandang mensahe. Matutong maging kalmado kahit sa argumento. Lucky color: Violet, lucky number: 30.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mag-stick sa mga sinasabi. Hindi mo kailangang i-please ang ­lahat. Timbangin ang pansariling interest­ at pamilya. Umiwas sa usapang walang katuturan. Lucky color: White, lucky number: 30.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Magiging ma­linaw ang isipan. Huwag ubusin ang oras sa walang kuwentang usapan. Huwag pagdudahan ang sariling kakayahan. Lucky color: Blue, lucky number: 18.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Papabor sa iyo ang mga pangyayari ngayong araw na ito. Mas batid mo kung ano ang tama, hindi dapat padikta sa iba. Lucky color: Green, lucky number: 38.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May pagkakataong mas malaki ang hatid na benepisyo ng pag-iisa kaysa­ maraming kasama. Mas marami kang ideyang mabubuo kung bibigyan ang ­sarili ng ‘quiet time.’ Lucky color: Pink, lucky number: 52.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mas mataas ngayon ang kumpiyansa mo sa sarili. Sa gitna ng atensyong matatanggap mo, isa sa mga kaharap mo ang hindi natutuwa. Posibleng may pagseselos at inggit na sangkot dito. Ingat sa pekeng kaibigan. Lucky color: Brown, lucky number: 2.