Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/28/2018

812

Susan Roces
Kaarawan: Hulyo 28, 1941
Madalas na mapagkalamang super confident pero sa totoo lang, sensitive ang mga babaeng Leo at madali silang masaktan. Gusto nilang maramdaman na pinapahalagahan sila. Kapag hindi sila pinapansin, nagiging agresibo at confrontational sila, pero kapag trinato mo ng tama ay sweet sila at marespeto.

 

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magiging maayos ang takbo ng buong araw. Magpa-­party o mag-invite ng mga malalapit na kaibigan sa bahay. Hahangaan sa pagiging malikhain. Lalong titibay ang pagsasama pagkatapos malagpasan ang pagsubok. Lucky color: Peach, lucky number: 28.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mag-adjust para mas maunawaan ang mga tao sa pa­ligid. Walang mahihita kung tatamad-tamad. Gumising nang maaga para mas marami kang magawa. Lucky color: Gold, lucky number: 16.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Magi­ging makulay ang lovelife. Maraming magbabago sa paligid mo, buksan ang mga mata. May bagong perpective na magaganap sa iyong harapan. Maging open sa anumang partnership tungkol sa negosyo. Lucky color: Blue, lucky number: 52.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Lam­bingin ang kasuyo na nangungulila. Ikonsidera ang ibang opsyon sa matagal nang plano. Nasa partner mo ang hinihintay na sagot sa iyong problemang pinansyal. Lucky color: Silver, lucky number: 46.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May malakas na energy sa isang aspeto ng iyong buhay. Maaaring mapunta sa isang lugar na hindi pa napupuntahan. Pagsikapang magkaroon ng balanseng buhay. Lucky color: Brown, lucky number: 8.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Maiintindihan mo rin ang mga pangyayari. May mga kuwestiyon na kailangan mong sagutin. Hayaang mangyari ang mga magaganap na hindi mo mapipigilan. May kakaibang kilig sa isang bagong kakilala. Lucky color: Green, lucky number: 10.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Maglinis ng bahay at tiyaking mawala ang mga kalat sa bawat sulok ng kuwarto. Alisin ang mga basura na matagal nang nakaimbak para pumasok ang positive energy. Lucky color: Maroon, lucky number: 12.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Manunumbalik ang dating lakas. Bumangon at mag-exercise. Hayaang pawisan. Mas gaganda ang pakiramdam kung gagawin itong routine sa umaga. Lucky color: Red, lucky number: 23.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Iparamdam ang tunay na pagmamahal sa kasuyo. May gusto kang ilabas o sabihin. Maging assertive sa taong minamahal. Lucky color: Orange, lucky number: 7.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May argumento tungkol sa lovelife. Ha­yaan munang makahinga ang pusong pagod. Huwag masyadong seryosohin ang problema na wala sa iyong kontrol. Lucky color: White, lucky number: 11.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mag-long trip kasama ng minamahal. Kailangan mo ngayon makalanghap ng sariwang hangin. Palawakin ang isip at paniniwala. Lucky color: Green, lucky number: 30.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Huwag sayangin ang oras sa pag-upo o paghiga. Lumabas at maglakad. Kailangan mo ng bagong adventure para mabuhay ang natutulog na dugo. Mag-ingat sa taong tititigan. Lucky color: Maroon, lucky number: 40.