Abante Tonite Interactive

Horoscope 07/30/2018

672

Brillante Mendoza
Kaarawan: Hulyo 30, 1960

Isinilang na mga ­lider at may malakas na sex appeal kaya naman marami ang lumalapit sa kanya. Masayang katrabaho dahil masipag at hindi madamot sa mga bagong ideya. Madalas na key player sa isang team at maga­ling makisama. Outgoing, confident at determinado lagi na mapaganda o maibigay ang the best sa anumang ginagawa o proyekto.

 

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Makiramdam sa iniisip ng ibang kasama. Huwag maging makasarili. Irespeto ang opinyon ng iba. Umupo sa likuran at hayaang magsalita ang nasa unahan. Lucky color: Blue, lucky number: 44.

Abante Hiring – IT dep

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Matalas ang isip dahil maaalala mo pa kahit ang ma­liit na detalye ng nakaraan. Bigyan ng payo ang taong naliligaw ng landas. Bantayan ang mga kasamang bata. Lucky color: Violet, lucky number: 9.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – ­Maging conscious sa kinikilos. Maraming tao sa pali­gid na mistulang natutulog. Ingat sa kanilang motibo. Huwag iasa sa iba ang iyong desisyon. Lucky color: Violet, lucky number: 50.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mas makakapag-isip nang malinaw sa kasalukuyang sitwasyon. Mistulang detective dahil sa bilis na makakuha ng impormasyon. Maging listo sa nangyayari sa paligid. Lucky color: Pink, lucky number: 36.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Okay lang na magkamali minsan. Aminin ito at huwag ­mahiya. Huwag hayaang lamunin ka ng sobrang pride, makipag-ayos agad sa taong nakagalit. Lucky color: Orange, lucky number: 5.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Iwasang magalit sa araw na ito. Makinig sa nagsasalita. Pag-aralang mabuti ang sitwasyon bago bumuo ng desisyon. Balansehin ang sitwas­yon. Maghinay-hinay sa paglalakad. Lucky color: White, lucky number: 14.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Magigising na iba ang pakiramdam. Wala sa mood na makipag-usap. Senyales ito na kaila­ngan mong mag-relax. Iwan muna pansamantala ang ginagawang trabaho. Lucky color: Blue, lucky number: 38.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Maging aware sa kakaibang nararamdaman. Tanggapin ito at aminin. Kung kailangang magsalita tungkol dito, gawin agad ito sa lalong madaling panahon. Pairalin ang tamang katwiran at huwag puro emosyon. Lucky color: Yellow, lucky number: 37.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May kasama na may kakaibang ikinikilos. Kausapin ito at pagsabihan. Malamang na hindi sila aware sa kanilang ginagawa. Ikaw na ang mamagitan. Lucky color: Gold, lucky number: 39.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kalmado ang araw na ito kahit may taong makulit. Mararamdaman ang pagpasok ng ­positive energy sa iyong buhay. Balansehin ang lovelife at personal life. Lucky color: Gray, lucky number: 10.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Magugulat sa kakaibang ideya. Tandaan ang aral na ibinibigay ng mga taong nakilala. Uga­liin ang pag-e-ehersisyo ng isipan para makapag-isip nang tama. Lucky color: Maroon, lucky number: 6.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – ­Maraming pumapasok sa isipan. Tulungan ang sarili na labanan ang kalungkutan. Lumabas at maglakad-lakad. Mag-iiba ang pakiramdam ­kapag may ibang kausap. Lucky color: Blue, lucky number: 27.