Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/02/19

320

Dingdong Dantes
Kaarawan: Agosto 2, 1980

Seryoso sa anumang commitment na pinapasok. Gusto niya ng atensyon kaya naman gusto niya na laging nakaporma. Mahusay makipag-usap at a may malakas na sense of humor.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Sa pinasok na pagbabago, maraming hamon pero bawat hakbang na nalalagpasan ay may kapalit na saya. I-enjoy mo lamang ang mga bagong karanasan. Marami kang matututunan sa bandang huli. Lucky color: Gray, lucky number: 40.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May oportunidad ngayon na magpapalinaw sa lahat ng nangyari. Kung hindi ito makakalagpas, mare-rea­lize mo kung sino ang tunay mong minamahal. Buksan ang isip sa lahat ng posibilidad. Lucky color: Maroon, lucky number: 33.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Alam mo kung ano ang dapat gawin pero hirap kang makabuwelo. Huwag itago ang tunay mong nararamdaman. Isipin ang maraming blessing na dumarating. Lucky color: Red, lucky number: 45.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Ibukas ang isip sa ibang opsyon. Unti-unti ay mabubuksan sa iyo ang mga dapat mong gawin. Maging alerto sa lahat ng pagkakataon. May hahadlang sa mga plano. Lucky color: Blue, lucky number: 44.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May ihahatid na benepisyo ang ipinakikitang suporta sa isang taong nasa pali­gid mo. ‘Wag katakutan ang papara­ting. Sa pagkakataong ito, kailangan mong manindigan sa kabilang panig. Lucky color: Yellow, lucky number: 11.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Iwasang maging masyadong seryoso. Kailangan mong ma-appreciate ang ‘light side’ sa mga nangyayari. Maraming magagandang bagay sa iyong paligid. Ibukas ang mga mata sa mga taong gustong mapalapit sa iyo. Lucky color: Orange, lucky number: 7.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Anumang nagsasarang chapter ng buhay ay nag-iiwan ng leksyon at karanasan. Dito ka magpokus at gamitin ito sa hinaharap. Malayo ang mararating kung hindi magpapatalo sa mga pagsubok. Lucky color: Brown, lucky number: 45.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kailangan mong ipakita sa isang espesyal na indibidwal ang iyong buong suporta. Ipakita rin sa lahat na nagtitiwala ka sa taong ito. Malaki ang magagawa mo para matapos na ang drama sa loob ng pamilya. Lucky color: Silver, lucky number: 50.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – ‘Wag sayangin ang oras sa isang tao na makakasira lang sa iyo. Alam mo na walang kahihinatnan ang mga sakripisyo. Tanggapin na kahit gaano kayo kalapit sa isa’t isa ay maaaring mawala siya sa isang iglap. Lucky color: Silver, lucky number: 33.

CAPRICORN (Disyembre 22-Ene­ro 19) – Hindi mo mailalayo ang sarili mo sa lahat ng pagkakataon. Kailangan mong lumapit nang husto para ganap na makaunawa. Nasa kamay mo ang solusyon pero hindi mo ito makikita hangga’t nagbubulag-bulagan ka. Lucky color: Yellow, lucky number: 11.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Sa pagkakataong ito, isang sitwasyon ang kailangan ng ibayong pag-iingat. Maaaring masira ang lahat dahil sa maliit na pagkakamali. Maaaring isang marahas na salita na makakasakit nang matindi sa ibang kasamahan. Lucky color: Gold, lucky number: 4.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kailangan mong lumaban nang parehas. ‘Wag hayaang makulayan ng nakaraan ang anumang ginagawa ngayon. Mas mahalaga ang kasalukuyan dahil dito mo mahahanap ang saya na naging mailap sa iyo. Magpasalamat sa maraming biyaya. Lucky color: Gray, lucky number: 36